Chapter 13

14.4K 395 8
                                    


"TELL me, is this your way of getting even with me for all my supposed-to-be shortcomings as your father?" sabi ni Aris sa kambal. Naisip niyang pabalikin na lang ang mga ito sa America at nang wala na siyang problema. Hindi bale nang masabihan siyang "walang-kuwentang ama," hindi bale nang tuluyang ma-brainwash ng biyenan niya ang mga anak niya laban sa kanya.

He sighed. He could not allow those things to happen.

"Ano bang mayroon ang babaeng 'yon at gustong-gusto n'yo siyang maging ina?" tanong niya.

"She's nice. She talks to us like were grown-ups. She doesn't underestimate us," sabi ni Jodie.

"Am I underestimating you?" He glared at them.

"Yes," duweto ng dalawa.

Napailing na lang si Aris. Ano na nga ba ang kasabihan tungkol sa mga bata? "Give them an inch and they think they're a ruler." Nagkamali siya nang patulan ang whim ng mga anak na ihanap ang mga ito ng bagong mommy. And to his dismay, he realized that he really underestimated them. Who would think that they would like a woman he just got from somewhere?

Hindi na niya naisip na posibleng magkunwari ang mga anak na gusto ang babaeng ipiprisinta niya para lang pahirapan siya. And now, his paradise had turned into a battleground of wills.

"She wants a grand wedding, give her that," sabi pa ni Jodie.

Di-makapaniwalang tinitigan niya ito. She used to be so tiny and helpless. When did she turn into a little tyrant?

Bumuntong-hininga si Aris. "All right. But listen to me and listen well, dahil ngayon ko lang ito sasabihin sa inyo. Gagawin ko ang gusto n'yo sa pagkakataong ito pero pagkatapos nito, wala kayong gagawin kundi sundin ang gusto ko. Walang puwedeng sumuway. Kahit kailan. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Nagkatinginan ang kambal, nag-usap ang mga mata; it was somehow spooky, the way they seemed to understand each other just by doing that. Pakiramdam niya, nagpaplano na ng coup d'état ang mga ito at aagawan na siya ng mga ito ng trono.

"Pagkatapos nito, ang gusto ko, ako lang ang susundin n'yo at hindi na kayo babalik sa lola n'yo kahit kailan," pag-ulit ni Aris.

Nagkokomperensiya pa rin sa pamamagitan ng mga mata ang magkapatid. Hinayaan na lang niya iyon hanggang sa humarap sa kanya si Jodie.

"Okay," sabi nito.

"Good!" Yumuko siya para maka-ace to ace si Jude. "From now on, hindi ka na puwedeng kumain ng junk food." Dinuro pa niya ito. "You are going to lose weight, young man."

The boy winced at nakita niyang nangilid ang luha nito.

"And stop being a sissy. Huwag kang babakla-bakla diyan! I don't want to see you crying anymore, get it? Boys don't cry, tandaan mo 'yan."

"Sino'ng may sabi sa 'yo?" sabi ni Agripina na biglang pumasok sa study.

"Huwag kang makialam dito. Usapang-lalaki ito," aniya sa babae.

Lumapit ito kay Jude. "Hindi naman kahinaan ang pag-iyak. May magagawa ka ba kung nasasaktan talaga ang anak mo? Inalam mo ba ang dahilan kung bakit siya kain nang kain?"

"Dahil matakaw," sagot ni Aris. "Walang disiplina sa sarili."

"Dahil depressed. At itanong mo sa sarili mo kung bakit sila nade-depress." Inakay ni Agripina ang dalawa at tumalikod.

"You're not their mother, wala kang karapatang pagsabihan ako!" sigaw niya rito. Was he losing control? Bakit lahat na yata sa pamamahay niya ay kinakayan-kayanan siya—at nakisali pa ang babaeng sampid?

Lumingon si Agripina. "Pumayag ka na sa kagustuhan ko, kaya ako na ang mommy nila simula ngayon."

Damn! Ni minsan ay hindi siya napagsalitaan ng ganoon ng namatay niyang asawa. Ang alam lang niyang nagsasalita sa kanya ng ganoon ay ang biyenan niya—the woman he hated most! 

Señorito Series 3: Aristeo COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon