Lulong

85 8 0
                                    

Napapikit ako sa inis ng mabangga ako ng isang lalaking naka-jacket na black dito sa gilid ng kalsada pauwi sa amin. Inis ko siyang binalingan at tinitigan ko siya ng masama.

"Hoy, tumingin-tingin ka naman sa dinadaanan mo! Nakababangga ka na ng tao dito oh, ayos-ayos din pag may time." Lumingon siya sa akin na nanlalaki ang kanyang mga mata. Nakangiti siya na parang baliw at may tumutulong kaunting dugo sa kanyang ilong. Ang inis ko ay napalitan ng konsensiya. May sakit pala ata siya tapos sinigaw-sigawan ko pa. Hala, ang sama ko, grabe!

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang balikat, "Ayos ka lang ba, kuya? Nagdudugo 'yung ilong mo. Gusto mo ba'ng dalhin kita sa ospital?" Inangat niya ang kanyang paningin at nagtama ang aming mga mata. Nangunot ang aking noo ng mapansing kong sobrang pamilyar ng mukha niya sa akin. Saan ko ba siya nakita?

"Hello! Ako si Jeanna. Bakit ka mag-isa dito? Tara, sumama ka sa'kin. Maglalaro tayo." Nag-angat ng tingin ang batang lalaki na nakaupo sa ilalim ng hagdan. Siya ay matabang lalaki na may suot na salamin. Kulot ang kanyang mga buhok at maputlang-maputla ang kanyang kutis. Nagtama ang mata nilang dalawa. Tila ba'y parang tumigil ang oras noong mga panahong iyon. Parehas hindi mawari kung anong mahika ang naglalaro ngayon sa kanilang paligid. Dahan-dahang tumayo ang batang lalaki.

"Ako si Leonardo." Suminghot ng malakas si Leonardo. Napangiti ng malawak si Jeanna. "Nice to meet you."

Napa-atras ako ng makita ko ang mukha ng lalaki sa malapitan. Sobrang pamilyar ng kaniyang mukha pero ibang-iba ang postura nito at mga galaw kumpara sa aking childhood friend. Wala itong suot na salamin at napakapayat nito. Mamula-mula ang kanyang mga mata at nangingitim ang kanyang mga labi. Napabitaw ako bigla sa balikat nung lalaki.

"Ikaw ba si... Leonardo?" Mahina kong tanong sa lalaki. Ang nakangiting bibig nito ay naglaho na parang bula at napalitan ito ng panginginig. Lalong nanlaki ang mga mata nito at hindi na ito makatingin sa akin. Malikot itong nagmamasid sa paligid at hindi mapirmi sa isang tabi ang kanyang mga daliri. Para itong natatakot... kinakabahan... nababalisa. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Kinakabahan sa kung anong sasabihin niya.

Hindi na ako naka-iwas ng bigla niya akong itinulak. "P-paano mo nalaman 'yan? Sino ka? S-Sino ka?!" Sumigaw si Leonardo ng malakas. Nagtinginan sa amin ang lahat ng napadaan dito sa kalsada. Sinabunutan niya ang kanyang sarili at nagpa-papadyak ang kanyang kanang paa sa sahig. "Layuan mo ako! Layuan mo 'ko!" Tumakbo siya papalayo sa akin at dumaan sa isang eskinita. Ano... anong nangyari?

Dahan-dahan akong tumayo habang nakatingin parin sa pwesto ni Leonardo kani-kanina lamang. Napahawak ako sa aking kanang kamay. Sobra itong nanginginig. Hindi ako makapagsalita. Para akong na-trauma. Ano... anong nangyari? Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ako ng malalim. Jeanna, chill ka lang. Wag kang mag-panic. Si Leonardo 'yun, remember? 'Yung classmate mo dati, 'yung kapitbahay mong kasabay mo maglakad papuntang school at 'yung nag-iisang lalaking naging crush mo noong highschool. Si Leonardo 'yun, Jeanna. Wag kang kabahan. Baka may problema lang 'yung tao.

Minulat ko ang aking mata at may napansin akong pakete ng plastic sa sahig. Nalaglag ata ito ni Leonardo. Pinulot ko ito at pinagmasdan. Teka... shabu 'to ah! Bakit may ganito si Leonardo? Bakit may methamphetamine siya? Ano ba talagang nangyayari? Muli kong tiningnan 'yung eskinitang kanyang tinakbuhan. Kailangan kong malaman kung anong nangyari kay Leonardo. Kailangan na din niyang malaman na matagal ko na siyang gusto hanggang ngayon! Go, Jeanna! Fight!

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa eskinita. Lumiko ako pakaliwa at dire-diretsong tumakbo. May liwanag akong nakikita sa di kalayuan. Sinundan ko ito at nagulat ako sa aking nilabasan. Isang highway. Nasaan si Leonardo? Lumingon ako pakanan, wala. Lumingon ako sa kaliwa, ayun!

LulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon