First Blood

198 20 221
                                    

YOU CAN SHARE THIS STORY BUT YOU CAN'T PLAGIARIZE.

THIS IS ONLY A WORK OF FICTION.

(A/N: SORRY FOR THE TYPOS. MAY PAGKA WRONG GRAMMAR DIN TAGALOG KO)

-------------------

KRYSTEL'S POV :

"Dalian mo na," bulong ko kay Kath habang papasok kami sa locker room ng mga boys.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" nagawa pa niyang ilibot ang mga mata niya sa paligid. Nagtataka siya kung ba't kami nandito.

Maya-maya pa, narinig naming may nagbukas ng pintuan. Mabilis kong hinila si Kath at nagtago sa bandang side ng locker sa medyo likuran.

"Ba't ba tayo andito?" mahinang tanong sa 'kin ni Kath na medyo naguguluhan pa rin.

"Para makita sila." Sabay tingin sa grupo ng mga lalaking pumasok sa locker room para magbihis. Basang basa sila ng pawis dahil sa basketball. Sila 'yung mga varsity palayers ng school namin.

"E pwede mo naman silang makita habang naglalaro? Bakit dito pa ang pinili mo?"

Tila hindi ko narinig ang sinabi ni Kath. Bigla kasing nag hubad pang itaas itong si Karl- siya ang star player.

Napa lunok ako sa nakita ko. Triceps! Hanep! Gusto kong hawakan. Para bang gusto kong punasan 'yung mga pawis niya.

"Nakikinig ka ba sa 'kin? Ano ba kasing tinitignan mo?" tapos napatingin din siya sa direksyon kung 'san ako naka tingin.

"Waa-" medyo napatili siya sa nakita niya at napatakip pa ng mata. Mabilis ko namang tinakpan ang bibig niya.

Bigla tuloy natigilan sa ginagawa ang mga grupo ng lalaki. Nagkatinginan sila na para bang nag-uusap ang mga mata nila.

Maya-maya pa, lumibot sila sa locker room para hanapin kung 'san nanggaling 'yung ingay.

Malamig na pawis ang tumutulo mula sa aking mukha.'Di ko alam kung ano ang gagawin ko kung saka-sakaling mahuli nila kami rito.

Pero wag naman sana.

Palapit nang palapit...

Palapit nang palapit 'yung mga yapak ng paa papunta sa direksyon namin.

Bawat yapak ng paa na palapit sa direksyon namin, hindi ako nakakahinga.

Mukhang maaatake ata ako sa puso nito.

Mabilis na tinanggal ni Kath ang kamay ko na nakatakip sa kanyang bibig.

"Meeowww!"

"Teka brad." Napaatras si Karl sa kanyang narinig.

"May pusa." Dugtong pa niya sabay isang hakbang pa ulit paatras.

"'Wag kang nagbibiro ng ganyan brad!"

"Seryoso brad. Narinig ko. Doon. Sa may bandang sulok. Tignan mo kung ayaw mo maniwala."

"Hindi na. Naniniwala na ako." Tapos nagkatinginan sila saglit na parang pareho sila ng iniisip.

Tapos...

Tapos...

Tapos...

Nag-unahan silang lumabas ng locker room. Seryoso ba 'to? Sila na may mga triceps biceps takot sa pusa?

Nakahinga din kami nang maluwag nang mapansin naming nakalabas na sila ng locker room at sabay kaming nagtawanan. What a great idea Kath!

"Kalalaking katawan tapos sa pusa lang naman pala takot." Hindi talaga ako maka move on sa nasaksihan ko. Halos mapapalakpak pa ako sa sobrang tuwa.

First Blood(One shot)#BBA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon