Tumatakbo si Farene upang habulin ang isang anghel na lumilipad sa langit nais niyang maabot ito, hindi nya alam kung bakit, basta gusto nya itong maabot. Kahit anong takbo nito, kahit anong bilis hindi parin niya magawang maabot ito. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa nang ang tanging nakikita na lamang nito ay ang pakpak ng anghel. Sa hindi malamang dahilan sumikip ang puso nito habang minamasdan ang papalayong anghel, gusto niyang maiyak, gusto niyang magwala dahil katulad ng paglipad palayo ng anghel tila ba sumama na rin ang kanyang puso rito.
Nagising ang dalaga dahil sa patuloy na pagsikip ng kanyang puso. Hindi maipaliwanag ni Farene kung bakit nagising na lamang siyang masikip ang dibdib. Lingid sa kaalaman nito ang napanaginipan.
Nagising ang diwa ng dalaga nang tawagin siya ng kanyang kaibigan na si Ella. Kasama nito ang iba pa niyang kaibigan sina Shine, Carley, Vanellope at Georgia. Nakikinita ni Farene ang pag-aalala sa mukha ng kanyang mga kaibigan.
“Ayos ka lang?” tanong ni Carley sa kanya.
"Ayos lang ako,” aniya at ngumiti. Ayaw man niyang magsinungaling ngunit mas angat parin ang kagustuhan niyang huwag ng pag-alalahin ang mga kaibigan.
"Kung ayos ka lang bakit may mga luha sa iyong mga mata? Ano bang napanaginipan mo at naiyak ka ng ganyan?" pag-uusisa ni Shine. Napahawak sya sa kanyang pisngi at doon nya napagtanto na may luha pala sa kanyang mata. Napakunot ang noo nito dahil maski siya ay hindi alam kung anong nangyari o kung bakit siya naiyak maski ang kanyang panaginip ay hindi nya maalala kung siya man ay nanaginip.
"Hindi ko alam... n-na-naguguluhan ako." sagot na lamang nito dahil alam niyang walang patutunguhan kung magsisinungaling pa siya, kilala nito ang kanyang mga kaibigan mas lalo lang mag-aalala ang mga ito kung magsisinungaling pa siya.
Napansin ni Georgia na ayaw na ni Farene na tanungin pa siya tungkol sa nangyari sa kanya. Kilala niya ito, alam niyang magsasabi si Farene kung handa na nitong ibahagi ang kanyang saloobin.
"O siya! Mamaya na natin pag-usapan iyan. Tara na't pumunta tayo sa canteen, nagutom ako dahil sa math na yan!" saad ni Georgia na siyang bumasag sa katahimikan. Sumang-ayon naman ang lahat.
Nakita ni Georgia na nginitian siya ni Farene kaya ngumiti rin ito sa kanya.
"Ang korni talaga ng joke mo, pre!" ani ng lalaki habang natatawa.
Natural na talaga na maingay sa canteen ngunit ang boses na iyon ay agad na pumukaw sa atensyon ni Farene, mabilis itong lumingon sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses, hindi nga ito nagkakamali si Ivee nga, dati nitong kaklase.
"Korni ka dyan! sino ba itong tawa nang tawa ha?" sagot ng kasama ni Ivee, si Josh, ang bestfriend nito. Nakita ni Farene na hindi na muli pang sumagot si Ivee sa kadahilanang tawa lang ito nang tawa kaya naman kitang-kita ang dimples nito.
"Uy! Farene, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" mabilis na bumaling ng tingin si Farene sa kaibigan.
"Shine! ginulat mo naman ako!" halos pasigaw na saad ni Farene habang nakahawak sa kumakalabog nitong puso. Humahighik na lang si Shine sa naging reaksyon ng kaibigan.
Bumaling ang tingin ni Shine sa direksyon kung saan nakatingin ang kaibigan kanina.
"Diba si Ivee iyon?" pag-uusisa ni Shine. Tumango na lamang si Farene, bilang pagsang-ayon.
"Balita ko sila na daw no'ng taga-ibang school. Si ano, si Maris? Mary? Maica? Ah! si Macy, oo iyon. Tingin mo totoo kaya ang tsismis Farene?"
"Malay ko. Hindi ko alam," mahinang sagot ni Farene sa tanong ni Georgia.
"Are you guys talking about Macy and Ivee?" singit ni Vanelope.
Tumango naman si Shine sa kaibigan bilang pagsagot.
Sabay-sabay naman bumaling ang tingin ng mga kaibigan ni Farene sa gawi ni Ivee.
"Bagay talaga sila no? Nakita ko na yung Macy nung isang araw kasama ni Ivee. Ang ganda nya sa personal. Talaga naman maswerte si Ivee." komento ni Carley.
"Well, if you think of it... swerte rin naman si Macy kay Ivee. He's not just handsome but he's also matalino and mabait," ani ni Vanelope.
"Matagal na rin nililigawan ni Ivee iyon diba? Simula Grade 10 palang tayo at hanggang ngayong Grade 11 hindi siya tumigil sa pangliligaw kay Macy. Idagdag mo pa na magkaiba sila ng pinapasukang paaralan. Bilib din talaga ako dyan, ang tiyaga!" dagdag ni Ella at inakbayan si Vanelope na siya naman muntik magpatumba sa kaibigan.
"Girl.. stop that," reklamo ni Vanelope at tinanggal ang kamay ni Ella sa pagkaka-akbay sa kanya.
Patuloy na nagkukulitan ang mga kaibigan ni Farene. Habang siya ay natahimik na lamang sumunod sa kanila. Hindi malaman ni Farene kung bakit naramdaman nito ang unti-unting paninikip ng dibdib habang pinag-uusapan iyon ng kanyang mga kaibigan. Oo, masaya siya para kay Ivee pero may parte sa kanya na hinihiling na sana, sana siya nalang si Macy.
----------
aaaaaand that's it for now.. i know maiksi siya perooooo next updatee pahahabain ko na :3
BINABASA MO ANG
He didn't know
Ficção AdolescenteROMANCE | Teen fic. He didn't know how I feel for him. I wish I wasn't too late. I wish I was brave enough. I wish - no I want to be her. I want it so bad for me to be the one by your side. If only, if only I'm not too late..