~Chapter 5~
"Start it"
Cameron: Noong tinanong kita hindi ka sumagot. Kaya itatanong ko ulit sayo ito. Pwede bang ligawan kita ulit?
Kris: Hindi pa pwede eh.
Nakakainis! Tama ba ang ginagawa ko? Parang mali eh. Sa totoo lang mag oo sana ako pero naisip ko masyado na akong easy to get kapag ganun, diba? Pero, mas maganda parin ito para mas mahirapan siya kung gusto man ako nito.
"Cameron: Bakit? Hindi mo ba ako gusto?"
Tang.. Grabe na ito. Anong klaseng tanong ito. Assuming ba talaga siya? Baka naman sinabi ni Nicole na may gusto ako sakanya kahit wala naman. Aisshh.
"Khrista: Hindi. Assuming ka?"
Akala mo kung sino maka tanong nang ganun. Hindi naman ganun ka gwapo, porket marami na siyang mga babae. May naaalala ako. Shet!! Nakalimutan ko..
"Khrista: Sa totoo lang.. Gusto kita."
Waahhh! Omo! Bakit ko ginagawa ang mga ito. Anong mga katangahan ito. Huhuhu. Ayoko na, pagod na ako. Laslas nalang ako.
Sinapak sapak ko ang sarili ko at sinuntok suntok ko ang unan ko.
Khrista: Kris! Kris! Tanga ka! Tanga!
Habang kinakausap ko ang sarili ko. Biglang may nag text. Siya na naman ito. Pagod na ako.
"Cameron: Weh? :)) Eh, bakit hindi pwede?"
Aissshh! Ngayun nagugustuhan na niya mga sinasabi ko. Tinignan ko ang orasan at 9:30 pm palang.
"Kris: Oo nga. Gusto kita. Pero, hindi pa pwede kasi magagalit parents ko. Baka malaman nila."
Magagalit daw parents. Anong klaseng rason ko yun nagibg kami nga dati eh. Well, kailangan ko talagang mag rason, kadiri siya.
"Cam: I Love You.."
Nanglaki ang mga mata ko nang nabasa ko ang message niya. At napatawa ako grabe na to! Bakit ako natatawa? Hahahahaha! Anong irereply ko? Wait...
"Kris: Hahaha. Thank You."
Hahahahahaha! Pakipot! Hindi pakipot tawag nito, hindi ko naman siya gusto. Hayy! Plastikan pala.
"Cam: Akala ko ba, gusto mo ako. :("
Anak ng! Aisshh! Naiinis na ako, sige na nga.
"Kris: Sige na nga, I love you too."
"Cam: Sobrang saya ko ngayun bebe. Nag i love you ka ulit sa akin. Sige, matulog kana huwag kang mag puyat ha. I LOVE YOU SO MUCH."
May, bebe pa! Grabe na ito. Ayaw na ayaw ko yung mga sinasabi ko pero gustong gusto ko mga sinasabi niya hindi ko siya gusto talaga lang na nakakatawa lang. Habang tumatawa ako sa kwarto ko, may tumawag sa akin si Aira.
Aira: Kris, sa saturday magkita tayo at pumunta tayo sa salon. Kailangan mung gumanda.
Umubo ako, at pinataas ko ang isa kung kilay. "Kailangan mung gumanda." Ano daw? Ang ganda ganda ko kaya kahit hindi ko kailangan nang salamin alam kung maganda ako, lahi palang. Lahat kasi nang mga De Rosa magaganda at mga gwapo. Walang tatalo sa pangalan namin, at kami din kaya ang pinaka mayaman dito. Lahat sila natatakot saamin kasi nga marami kaming pera.
BINABASA MO ANG
Passionate Revenge
Teen FictionKhrista De Rosa (Seohyun) Popular, maganda, mayaman, suplada, matalino at bitter. Isa siyang high school student. Muli siyang babalik kung saan siya nag aral noong elementary siya hanggang 1st year high school siya. Hindi niya ito inexpect. Ayaw na...