~Chapter 4~
"Diary"
Nakauwi na ako. At ulit, nakita ko na naman si Lexie na nanonood nang Korean Drama sa sala. Kamusta na kaya ang boyfriend niya? Pumasok na ako sa kwarto ko, at nag message si Jocob saakin.
Jacob: Sinungaling ka pala. Akala ko ba hindi mo na siya gusto?
Tumawa ako nang nabasa ko ang message niya saakin. Hindi ko naman talaga gusto si Cameron eh.
Kris: Hindi ko nga siya gusto. Basta..
Hindi na siya nag text saakin. Humiga ako sa kama ko at naisip ko ulit ang ginawa ko kanina. Bakit mo siya hinayaan na akbayan ka? Well, nakisakay lang ako sa trip niya. Marami siyang ka text na babae, bakit naman niya ako gusto? Nalala ko si Aira.
Aira Flores, ka klase ko siya pero hindi kami close pero famous siya dati sa campus nawala ito nang dahil kay Jessie. Pero nawala din ang pag ka famous ni Jessie nang dahil bumalik ulit ako. Maganda siya, mabait siya, at mayaman din. Pero naalala ko ang ginawa niya dati. Nasaktan din siya, pero kay Joaquin niya ito naramdaman. Nang babae daw ito, at hiniwalay ni Aira ito nung nalaman niya.
Pero after 2 months nang break up nila. Lagi na daw na umiinom si Joaquin at lagi niya daw hinahanap si Aira. Pero ang sabi sa akin ni Nick, naging mag kaibigan daw sila nung nag break sila. Lagi daw silang mag kasama, pero wala naman silang relasyon. Hindi nila alam ang rason kung bakit naging ganun si Joaquin.
Ano bang ginawa niya at napa baliw niya si Joaquin? Kaya pala hanggang ngayun wala paring nililigawan si Joaquin. Akala ko nga rin mag cousin silang dalawa pero hindi pala, mag ka parehas lang sila nang last name. Nag away din kami dati dahil nalaman niya na may lihim akong pagtingin kay Joaquin. Hindi ko nga rin alam kung naka move on naba siya o hindi pa.
Habang nakatulala lang ako iniisip si Aira at Joaquin nag vibrate ang phone ko. Nang tinignan ko kung sino ang nag text, si Cam.
Cam: Hi, Kris! :)
Ayoko na siyang ka text nagsasawa na ako sa mga sinasabi niya. Pero, sige na nga bored ako pag tripan ko nga ito.
Kris: Hi din.
Cam: Pwede na ba kitang ligawan ulit?
Hindi ko siya ni reply. Ilang ulit na niyang tinatanong saakin yan. At ang lagi kung sagot eh, Hindi. Hindi pa ba siya natuto. Nakakainis na. Matutulog nalang ako.
--------
Recess na namin, naalala ko si Aira. Hinanap ko siya. At tamang tama wala siyang kasama. Lumapit ako sakanya, at kinausap ko siya.
Kris: Aira.. Pwede bang mag tanong?
Tinignan niya ako at ngumiti siya.
Kris: Ano bang nangyare sainyo ni Joaquin at naging baliw siya dati saiyo?
Tumawa siya. Pero hindi ako tumatawa. Nang napansin niyang seryoso ako, natanggal ang ngiti sa mukha niya.
Aira: Bakit gusto mung malaman?
Umopo ako sa tabi niya. Pero hindi ako sumagot sa tanong niya.
Aira: Alam mo dati, napaka lungkot ko. Ako ang naging baliw dati. Pero nung araw
Na yun, napa baliw ko din siya.
Nagulat ako sa sinabi ni Aira. Tinignan ko siya at naka ngiti siya habang sinasabi niya ang mga yun. Parang alam ko na ang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Passionate Revenge
Fiksi RemajaKhrista De Rosa (Seohyun) Popular, maganda, mayaman, suplada, matalino at bitter. Isa siyang high school student. Muli siyang babalik kung saan siya nag aral noong elementary siya hanggang 1st year high school siya. Hindi niya ito inexpect. Ayaw na...