Chat 2

58 3 1
                                    

PANGALAWA: 

Clisse's POV

Mahal, pwede ba tayong magkita ngayon? -Brett

Basa ko sa Text ni Brett sakin, kakagising ko lang at kakatapos ko lang maligo ng nabasa ko ito

Morning mahal, saan tayo magkikita? -reply ko naman
 Nagbibihis na ako ng nagreply naman agad siya 

Simba tayo ngayon,Pwede ba mahal? -Brett

Naexcite tuloy ako, linggo ngayon at Anniversary din namin ngayon.

Magdadalawang taon na pala mula ng magkakilala kami at isang taon na nung sinagot ko siya, Na-Excite tuloy ako kasi feeling ko isusurprise na naman niya ako, Ayiiiiieeeeeeee

Nagmamadali ako sa pagsuot ng sapatos ko at dali daling lumabas at mabuti nalang at may taxi na papalabas ng subdivision namin kaya pinara ko ito at sumakay agad.

"Sa Plaza po manong, malapit sa simbahan" sabi ko at umayos na ng upo

Di naman nagtagal ay narating ko na ang plaza

"Bayad po manong, keep the change po!" Nakangiti kong sabi at dali daling lumabas 

Di naman ako nahirapang hanapin siya kasi siya lang naman ang gwapo dito sa plaza xD ambad ko talaga, bwahahahaha

"Mahaaaaaaaal" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya

"Oh, hinay hinay lang mahal, masyado kang halata na namiss mo ko eh" tumatawa tawang sabi niya

Napatigil naman ako ng napansin kong kulang yung tawa niya, yung parang napipilitan lang siyang tumawa pero binalewala ko nalang yun

"Tara na mahal?" Anyaya ko sa kanya at sumang-ayon naman siya kaya pumasok na kami sa simbahan

Malapit ng matapos ang misa, nakatayo kami ngayon para sa peace be with you at nagulat ako nung niyakap niya ako at bumulong sa tenga ko "Peace be with you mahal" malungkot na sabi niya at kumalas sa pagkayakap

Nabagabag naman ako sa ginawa niya pero hinayaan ko nalang muna hanggang sa matapos na ang misa.

"Saan Tayo pupunta mahal?" Excited na tanong ko

"Date Tayo Mahal!" excited na sabi niya at hinila ako 

pumunta kami sa mall malapit  sa simbahan at nag laro kami sa arcade, sobrang saya namin kasi lahat nilaro namin.

"Mahal! dun tayo!" masayang sabi na naman niya at hinila ako papunta dun sa may stage kung saan pwede kang kumanta.

" Dyan ka muna mahal" sabi niya sabay kindat at pina-upo ako sa isang upo-an na nasa harap ng stage

(NOW PLAYING: BEFORE I LET YOU GO BY FREESTYLE) 

I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that you loved me made me feel oh so right"

Panimula niya sa kanta, ang ganda na ang lungkot ng boses niya.

di ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang kinakanta niya iyon, ano bang gusto niyang iparating sa kantang yan? baka naman nagpaparanoid lang ako. 

Tama! nagpaparanoid lang ako

  Chorus:
Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listening, cos it's true
(It's true my baby, it's true)
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do, yeah
So before I let you go, I want to say it
I love you

Love at first Chat ( Two-shots )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon