Ikaapat na kabanata:my name, is my pride!

141 9 5
                                    

Makalipas ang isang buwan na selebrasyon ng aking mga kaibigan sa kanilang pagpasa, panahon na para maghanap ng ikabubuhay ng pamilya. Bilang mga bagong graduate mas mahirap makipag kompetensya sa iba. Minsan ang priority ng mga kumpanya ay ang mga may experyensa, ni pati nga edad may required pa at yung iba mas gusto ang may lisensya na mas magpapahirap sakin upang  matanggap sa trabahong aking pangarap.

“mga tol tra sa Holcim my opening ata sila dun, pumunta narin tayo sa mga ahensya ng gobyerno baka dun pwede mag apply” text na aking nareceive kay Nicky.

“Oh sige, sige mga tol kita kita nalang tayo sa school. Kailangan naba na mag pormal sa mga isusuot?” reply ko at sent to all ang aking ginawa.

“Hindi tol mag shorts kalang ,pambahay ba. Baliw! Abay malamang! Mag aaply nga diba!”

“Oo na, sige kita tayo school!”

Nagsimula naakong magbihis pagkatapos ng palitan namin ng mga text nang…

“Ay patay wala naman ako formal na damit dyahe naman oh! Eto nalang kaya polo shirt ok na siguro to” saloob loob ko.

“Ma! pupunta lang ako ng school mag-aaply kami nina Thomas at nung iba pa” paalam ko sa aking ina na kasalukuyang naglalaba.

“Oh kumain kana ba? Tsaka bat ka sasabay sa kanila di hindi kana mapipili kasi sila ay may lisensya kapag ka nag-aaply mas maganda kapag mag-isa ka para walang kakompetensya”.

“Eh kung matatanggap matatanggap ako, bahala na subukan ko parin haay! Sige po mauna nako sa school nalang ako kakain”.

As usual ako na naman ang nauna sa school na meeting place namin, sa aming magbabarkada kasi ako lang ang sumusunod sa oras na napag usapan at sila mga after an hour pa. Tambay dito, muni muni doon yun ang aking ginawa habang nag- aantay hanggang makompleto at nakaalis na. Inuna naming pinuntahan yung Holcim kaso pinaiwaan lang sa gate yung mga resume namin. Apply dito apply doon kahit maliliit na kontraktor ay aming pinasahan ng resume hanggang sa mapadpad kami sa isang ahensya ng gobyerno.

“Oh andami nyo ah! Ilapag nyo nalang dito sa table yang mga resume nyo. Gusto nyo ba talagang magtrabaho dito, dahil ipapadala namin kayo sa kalapit na lalawigan dahil dito satin ay may mga nakuha na. Kung makapasa kayo dito sa interview at exam diretso na kayo ngayong gabi oh bukas sa Manila para sa last interview. Roy wala paba yung ipapagawa natin sa mga to?” wika ng empleyado ng ahensyang aming pinag-aaplayan.

“Ok lang po basta magkatrabaho”tugon namin.

“Mga tol may pamasahe naba kayo papuntang Manila? Ipull out ko na ata resume ko” sambit ni Thomas habang kinakalkal ang wallet.

“Ako nga rin eh wala baka humingi pako, tsaka parang ayaw ko na madistino sa ibang lugar, mas maganda kung dito lang sa La Union para mabantayan ko parin ang mga pinapatayo naming mga bahay” tugon ni Rhesty.

“ Eh kung ako kasi sayo tulungan mo nalang yung tatay mo sa business nyo, kontraktor na nga kasi kayo, basta kami ni Darwin tutuloy hindi ba Darwin” wika ni Nicky habang nakikiapir kay Darwin. “Apir”.

“Oo pupunta ako! Bat ayaw nyo ba?” usisa ni Darwin

“Ah teka nga pala lahat ba ng mga eto na resume ay mga may lisensya? Kasi hindi kami tumatanggap ng mga bagsak” paningit ng empleyado ng ahensya.

Lahat napatingin sa akin at biglang tumahimik ang lahat at tumigil sa pagkukwentuhan.

“Ahhh ako po… hindi ako lisensyado..kunin ko nalang po yung resume ko..nasa ..nasa pinakalikod po ata” wika ko na may pagkabalisa sa narinig.

“Pasensya na ha mga lisensyado lang kasi talaga mga tinatanggap namin”

“Opo ok lang”

Lumipas ang mga sandali at sina Darwin at Nicky nalang ang nagpasyang tumuloy pa. Makalipas noon ay lipat na naman sa ibang kompanya at ahensya ng gobyerno. Minsan tinatanggap ang aking resume minsan hindi dahil sa lisensyado ang kanilang hanap. Dumaan ang mga araw ng pag-aaply ng trabaho ngunit wala parin tumatawag upang sabihin na ako ay natanggap, hanggang ang ilan saamin ay nagpasya nang pumunta ng Manila para mag apply. Ako, si Rhesty, Recy at si Martin ay nagpasyang mag apply sa EEI main sa Manila kasama narin yung mga naging kaibigan naming dati na Baguio review na sina Mark at Gladys. Lahat kami ay first time tumuntong ng Manila bilang mga aplikante at hindi na bilang estudyante na ang tanging sadya sa Manila ay ang mag field trip. Dahil sa unang beses palang namin sa Manila nag pasundo kami sa Tita ni Recy sa terminal at doon narin sa kanila nakituloy at nagpalipas ng gabi. Kinabukasan dumiretso na kami sa EEI isa sa mga Top Construction firm ng bansa at ISO certified kaya kilala maging sa ibang bansa, kaya ganun nalang ang pagnanais namin na makuha at makapagtrabaho sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pinunong Uhaw: Ang PagsusulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon