Ikatlong kabanata:Dapa Bangon Dapa..

102 7 5
                                    

 

“Sige na po pumayag na kayong mag-enrol ako  sa review center para sa susunod na exam. Mas makakatulong ito para pumasa kasi doon tuturuan kami kung pano sumagot at tamang deskarte sa board exam, ayuko naman na bumagsak na naman po ako ulit” nagsusumamo ko na hiling sa aking Anti habang nakaupo sa silya at sya naman ay kasalukuyang nagdidilig ng halaman.

Si Anti ay kapatid ng aking ina, walang asawa at anak, sya ang nagtaguyod sa kanilang pamilya sa pagiging auditor ng ibat ibang ahensya ng gobyerno, sya rin ang dahilan kung bakit ako ay nakatungtong sa kolehiyo, sya ang nagbabayad ng miscellaneous fee sa school pati narin ang pagbibigay ng pang araw araw na allowance dahil wala namang parehas na trabaho ang aking mga magulang.Malaking tulong din kahit papano ang pagiging scholar ko dahil naging libre ang aking tuition fee kaya kahit papano ay menus bayarin para sa kanya. Ngayon ay hinihingan ko na naman ng pabor para sa pag eenrol sa review center para sa exam.

“Ano ba kasi ginawa mo’t bumagsak ka! sayang yung oportinidad na pumasa nitong huli!, di sana hindi ka na mag eenrol sa mga review center na yan!”.

“Wala lang po talagang swerte kaya nga po hindi nako aasa pa sa swerte kaya nga mag eenrol sa review center para pumasa kaya pumayag napo sana kayo”.

“ Haay nako Jason last na to! kung hindi mo pa pagbubutihin ay hindi ko na alam ang maitutulong ko pa saiyo!” wika ng aking anti habang inaabot ang pang enrol ko sa review center.

“Maraming maraming salamat po, bukas na buksa din po aakyat nako ng baguio para makapag enrol. Sige po” pamamaalam ko kay Anti.

Si Rhesty ang anak ng contractor sa barkada na magpapatuloy ng kanilang business kapag pumasa, si Martin ang pinaka malaking mama sa klase, at ako ang magkakasama sa review sa Baguio kasama rin namin sina Marlon, Dennis at ang ate ng klase na si Recy. Kaming anim ang magrereview sa Baguio at yung iba na ay sa Manila. Ako ,si Rhesty, Martin at Marlon ang magkakasama sa isang bording house habang si Recy at Dennis ay sa ibang bahay.  Isang typical na Spanish style na bahay ang aming tutuluyan, pagbukas ng gate ay ang garahe agad ang bubungad na kung saan nakalagay ang kulungan ng mga aso kaya pagpasok palang maamoy na ang amoy ng tae ng aso na agad mong ikakadismaya. Up and down ang bahay sa ibaba ay lugar para sa mga tenant habang ang ikalawang palapag  ay sa may-ari. Ako, si Martin at Rhesty ang nasa isang kwarto habang nasa kabila si Marlon. Sa katabi naming kwarto ay sina Mark at Gladys ang magkasintahan na nagrereview din kagaya namin na sa kalaunan ay naging kaibigan din namin. Kung hindi kami nagrereview paglalaro ng pusoy angaming libangan oh dikayay panunuod ng tv.Doon ko din naranasan ang maligo sa sobrang lamig na tubig na para bang galing sa refrigerator dahil sa wala silang water heater. Baguio is Baguio ikanga nila lugar ng pasyalan pati narin ang kakatakutan. Ayon sa may-ari pinapalibutan ang bahay ng mabuting mahika na nagtataboy ng mga masasamang espiritu. Mayroon din daw silang alagang mga puting duwende, na pinagawan pa nila ng bahay na mistulang Barbie house  na nakapwesto sa kanilang hardin na kapag dapit hapon ay binibigyan nila ng pagkain. Ang mga tao sa bahay ay punong puno rin ng hiwaga, ang ina na syang may ari ng bahay ay nakakarinig ng multo, habang ang anak at mga pamangkin ay nakakakita at nakakaamoy ng multo isama mo pa ang kanilang kaibigan na nakakaramdam. Sila daw ay pumupunta sa Diplomat Hotel upang magdasal oh gumawa ng ritwal, isang hotel na sinira ng gyera na pinaniniwalaang pinamamahayan ng mga multo.

“Hulaan ko kayo gusto nyo ba? Marunong akong manghula wala namang bayad ano gusto nyo? “ wika ng pamangkin ng may-ari ng bahay habang kaming apat ay nasa sala at nanunuod ng tv kasama sya.

“Oh sige sige wala naman sigurong mawawala, ako na mauna!” wika ni Martin.

“Magiging maswerte ka sa pera, magiging successful ka pati sa buhay pag ibig”

Pinunong Uhaw: Ang PagsusulitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon