Chapter 3

2 1 0
                                    

Scott's pov

"Hi tito Sam pasok po kayo diyan lang po kayo ha puntahan ko lang si eomma matutuwa talaga yun pag baba niya dito". Pinuntahan ko agad si mom sa kwarto niya. May isinusulat kasi siyang hindi ko alam pero feeling ko nagsusulat siya ng diary.

"Eomma!? pwede po bang pumasok?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede naman ano bang sasabihin mo?" Nagtatakang tanong sa akin ni mom. Tumabi agad ako sa kanya at isinara niya ang ginagawa niya at tinanggal ang eyeglasses niya.

"May bisita po kasi tayo nakalimutan ko po kasing sabihin to sayo kanina" sabi ko sa kanya.

"Sino bayan?? Tara baba na tayo baka naghihintay na siya" pag aya agad sa akin ni mom pero bago kami bumaba hinarangan ko agad siya.

"Mom bago yan tatakpan ko muna ang mata niyo para surprise" kumuha agad ako ng panyo para itakip sa mata niya.

"Scott ano na naman ba ito? Baka kalokohan na naman ito ha... baka ang bisita natin kalaban ko ha.... kung malalaman ko kung kalaban ko yan malalagot ka talaga sakin!" Bunga agad sa akin ni mommy. Sinagot ko agad si mommy.

"Mommy hindi mo siya kalaban close pa nga kayo sa isa't isa. Promise mommy magugustuhan mo tong surprise ko sa iyo kaya gumalaw ka na dyan at lumabas na tayo sa kwarto mo. Huwag kang mag alala sa pagbaba mo mommy aalalayan kita..." buti naman at tumahik na si mommy hindi talaga mapipigilan ang pagka negative thinking niya. hahays mga ina talaga.

Nasa baba na rin kami agad ko siyang dinala sa tapat ni tito Sam. At agad na itinanggal ang piring sa kanyang mata.

"Surprise!!!!"

"SAM!!!!" Sigaw ni mommy at agad niyakap si tito matagal na rin silang hindi nagkita sa isa't isa. "Ang tagal na rin ha.... ngayon lang kita nakita for how many years passed!!" Dagdag ni mom at sa pagkakita ko dahil sa pagkayakap ni mom hindi na makahinga si tito. Kaya inawat ko agad si mom kay tito.

"Eomma relax.... huwag ka masyadong actie tignan mooh hindi na makahinga ng maayos si tito" paalala ko sa kanya nagiging super duper active kasi siya basta masaya siya masyado. Grabi talaga to si mom hanggang ngayon parang bata. "Sige mag usap lang kayo diyan magreready lang ako ng sa dining area para makakain na tayo. Mommy behave ha" paalala ko sa kanya habang tumatawa ako nakakatawa kasi si mom parang bata kahit matanda na.

"Yes po anak!" Sabi naman ni mom. Pumunta agad ako sa dining area at tinapos ko nang ayusin ang mga utensils na naiwan ko kanina. Nilagay ko na rin ang kanin at ang specialty viand ko. Hope they will like this. Pumunta agad ako kung saan mag uusap sila mom at tito.

"Ahmm... mom, tito kain na po tayo nakahanda na po ang lahat sa dining room. Tara na?" sabi ko sa kanila. Sumunod agad sila ito at mom.

"Chicken Curry bayung naamoy ko?" tanong ni tito Sam.

"Yes po.....it's special....so let's eat???" pumwesto agad kami sa aming mga upuan si mama sa gitna si tito Sam naman sa kaliwan at ako sa kana.

"Scott paano mo ba nakita ang tito Sam mo?" tanong ni mom.

"We'll actually mon adviser ko si tito" sagot ko.

"Oh really?" tanong ulit ni mom.

"Yes.. That's true" sagot naman ni tito Sam....

"Sam be fair to your students okay?" tumango naman si tito Sam. Natapos narin kaming kumain ng hapunan at desert. Iniwan ko muna sina tito at mom sa sala para makipagkeentuhan kay mom. Pumunta agad ako sa aking room para makapag umpisa na ako sa pagsulat ng aking diary.

Ano kaya ang isusulat ko a first page....hhhhhmmmmmm

Do You Love Me Now?Where stories live. Discover now