May mga pagkakataon na kailangan mo ng prisensiya niya pero wala kang magawa kundi ang umiyak ng palihim sa tabi.
Matapos ang lahat ng mga gawain sa bahay ay inatupag ko naman ang aking mga takdang aralin. Malapit na ang deadline ng mga to. Sa wakas ilang buwan na lang at makakapagtapos na ako ng elementarya. Laking pasalamat ko sa mga kong lolo at lola dahil naging maayos ang kanilang pagpapalaki sakin.
Kinaumagahan nagkaroon ng pagpupulong sa paaralan.
"Bess? Anong meron?" narito kami ngayon ni Mary Ann sa quadrangle ng aming school at nagtatakang nakikinig sa aming principal.
Sa mga mag-aaral na magsisitapos sa mga susunod na buwan, kinakailangan niyong maghanda. Bungad na sabi ng aming Principal.
Madaming nangyari sa mga nagdaang buwan, ilang taon na pinangarap kong makapag tapos ng elementarya ay matutupad na.
"Oh, ayan na ang susuotin mong uniporme, Sofia" iniabot ni tiya Jocelyn ang puting uniporme na gagamitin ko mamayang hapon.
Ang dami kong pangarap dati na alam kong mahirap matupad pero sabi nga na kapag may tiyaga may nilaga. Hindi man kumpleto ang pamilya na meron ako, alam ng Diyos na makakayanan ko lahat ng pagsubok ko sa buhay kahit ako lang ang mag-isa.
Dumating yung araw ng graduation ko. Hindi ko man nakamit ang pagiging Valedictorian kontento na ako sa 5th honorable mention ko. Kahit papano worth it naman yung paghihirap ko sa loob ng anim na taon sa elementarya.
Matapos ang graduation ko nagdesisyon ang aming adviser na pumunta sa tawilis. Isa sa pinakamataas na bahagi ng aming lugar. Halos buong lalawigan namin ay makikita mo. Nakakapagod umakyat pero worth it kapag nakarating kana sa tuktok. Yung bang pakiramdam na halos abot mo na yung langit dahil sa sobrang taas nito. Naging maayos ang pagdalaw namin, masaya, nakakapagod at naging memorable naman ito. Buwan ng marso ay mas naging masaya ako dahil bukod sa tapos ko na ang elementarya ay nakaka gala na din ako kung saan ko gusto kasama ang mga pinsan at mga kaibigan ko. Pero bago ako umalis ng aming bahay, sinisigurado ko muna na maayos ang sitwasyon ng aking lolo at malinis ang aming bahay para hindi ako mapagalitan ni Tiya Jocelyn.
Isang araw habang akoy naglalaba narinig kong tinatawag ako ng isa kong anti. Si anti Adak, isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. Isa siya sa mga saksi ng lahat ng hirap ko dito sa probinsya, sa tuwing nangangailangan ako ng tulong lagi siyang nandyan para tumulong. Siya na ang naging pangalawang ina ko.
"Sofia!" hingal na tawag nito sakin.
"Anti? Bakit po? May problema po ba?" takang tanong ko.
"Iha, may natanggap akong sulat, para sayo ito." Nakita ko ngang may hawak hawak siyang sobreng puti. Dali dali ko itong kinuha at binasa.
Mangiyak-iyak akong binabasa ang sulat. Hindi ko akalain na sa kabila ng ilang taon naalala pa pala ako ng nag-iisa kong kapatid. Ilang taon din ang nakalipas mula ng makita ko siya. Halos wala pa akong kamuwang-muwang noon ng umalis siya at kinuha ng aming ina. Tanging alam ko lang noon ay magbabakasyon lamang siya. Anti, naalala pa po ako ng kapatid ko. Hagulgol kong saad kay Anti Adak. Agad naman niya akong niyakap at pinatahan. Hindi ko akalain na sa kabila ng paghihirap ko ay mabubuhayan ako ng pag-asang balang araw makakaalis din ako sa hirap na meron ako.
"Iha, dininig ng Panginoon ang lahat ng dalangin mo" saad nito sa akin.
"Anti, may nakasaad po ditong numero ni Ate, sabi niya tawagan ko daw po siya pag natanggap ko na itong sulat."
Hindi ko akalain na mangyayari pa ang ganitong pagkakataon. Hindi ko agad tinawagan ang aking kapatid. Tila ba nag-iisip pa ako kung handa na ba akong umalis sa lugar na to. Siguro ito na yung sinasabi ng aking lolo noong nabubuhay pa siya.
Hello sa mga estudyante ko jan na nagbabasa ng mga R-18 hahaha
BINABASA MO ANG
Lost Soul
General FictionAno nga ba ang magagawa ng nakaraan sa kasalukuyan? ano nga ba ang magagawa ng pangarap sa taong gusto ng sumuko?