Luntian

12.9K 490 556
                                    

Alam kong mali. Hindi dahil sa babae kaming pareho, pero andiyan si Luke. Isa pa, ni katiting na interes sa mga babae, wala akong maramdaman sa kanya. Humingi na ako ng tulong Jizzel—na siyang tanging nakakaalam. Isa pa, kailangan ko rin ng mapagsasabihan, kundi mababaliw na ako.

Pinakilala ako ni Jizzel kay Lyka, isang femme din tulad ko, para daw maiba ang atensiyon ko. Kinilala namin ang isa't isa—pero walang kilig, walang spark. Habang nagkwekwentuhan kami tungkol sa trabaho namin biglang nagvibrate 'yong phone ko. May video call mula kay Kabi.

"Sagutin mo," sabi ni Lyka.

"Okay lang?"

"Oo naman."

Pagsagot ko, isang naka-pajama na Kabi ang nakita ko.

"Uy, saan ka?" tanong niya. "Bat di mo sinasagot text ko? Teka, asan ka? Wala ka sa bahay?"

"Wala. Nasa coffee shop ako kasama si Lyka."

"Lyka?"

Pinakita ko si Lyka sa video call.

"Hi," bati ni Lyka tapos hinarap ko na sa 'kin.

"Sino 'yon?" tanong na naman niya.

"Kaibigan ko."

"So di ka pwede? Tatanong ko sana kung pwede ka para manood ng movie."

"Tingnan ko pa. Uy, sige na, baba ko muna."

"Text ka kung pwede ha."

Pagkababa ko, nakita ko na nakangiti si Lyka. "Hula ko," sabi niya. "Una, hindi niya alam na lesbian ka, at pangalawa, hindi niya alam yung nararamdaman mo."

"Hindi no," sabi ko, iniiwasan na malaman niyang tama siya. Hindi ko na lang alam kung paano napunta ay Kabi ang topic at sobrang dami ko atang nasabi. Kung paano siyang biglang nag-iiba ng anyo mula sa sobrang hinhin papuntang sobrang ligalig, 'yong mga kalokohan naming tuwing magkasama kami, at iba pa. Siguro mga sampung minuto na akong salita nang salita nang nakita ko siyang nakangiti.

"Sorry," sabi ko. "Okay, sige. Gusto ko siya. Pero alam mo, mas straight pa ata siya sa ruler."

"Ano ka ba, may mga ruler na nababaliko," sagot ni Lyka habang natatawa. "Bakit hindi mo masabi?"

"Una, may boyfriend siya. Pangalawa, mukhang di naman siya interesado sa ganitong klaseng relasyon. Paano ko ipapaliwanag na sa halos isang taon kaming magkasama, lesbyana pala ako na may gusto sa kanya, di ba?"

"Hindi ka ba open sa mga kaibigan mo? Alam naman ni Jizzel, di ba?"

"Oo, pero hindi ko alam kung bakit kay Kabi, hindi ko masabi. Siguro natatakot lang ako i-risk 'yong mga pinagsamahan namin. Lyka, promise, kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko."

"So bakit nga hindi mo i-pursue?"

"May boyfriend nga. Itong boyfriend niya, gago pa."

"O baka nagseselos ka lang?"

"Natural. Sino ba namang hindi magseselos na hawak ng iba 'yong gusto mong maging iyo, di ba? Tapos ang turing lang sa 'kin ni Kabi, girl space friend. Pero hindi, gago talaga 'yon."

"Sabihin mo na lang sa kanya na mag-meet na kayo."

"Eh paano ka?"

"C'mon. Bakit ko pa itutuloy 'to kung taken ka na?" Sabay kindat niya sa 'kin.

"Malay mo, pwede nating i-workout," hiya kong sagot.

"Hindi ko trip maging panakip butas mo lang, ano," sabi ni Lyka. "May chance tayo kapag totoong gusto mo na mag-move on sa kanya—ano ulit pangalan?"

TibokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon