PAINLESS LOVE
Copy right 2012®
by Adrienne May M. Mendoza ( Enneirda )
All rights reserved
CHARACTERS:
Angelo M. Santiago ( Antic )
Hannah L. Valdez ( Aira )
Alexander B. Dela Cruz
Mellissa G. Valdez
.........................................................
A love that started young. A love that became an inspiration for the two lovers for their dreams. When suddenly, an illness broke their long time waiting for the two people who are to be binded as one.As they proved that distance will never be a hindrance for their true love.Could they be able to prove also that illness will never be the reason to bury their love that waits.
...................................................
PART ONE
Sabi nila pagtatapos sa highschool ang pinakamasaya ngunit pinakamalungkot na pangyayari sa sa apat na taon mong pagaaral. Tama naman sila, pinakamasaya dahil dito mo natutunang ihubog ang iyong sarili, sabi nga nila adolesence stage. masasabi mo na bata ka pa rin, yon nga lang marami nang pagbabago.
Maganda ang araw ngayon, pahiwatig lang na makikisaya rin ang araw sa aming pagdiriwang. 10 am magsisimula na ang aming programa ngunit wala pa si antic. May bigla na lamang tumakip sa aking mga mata, pero syempre makikila ko kaagad, kamay na kasing lambot ng tinapay. Ang taong to wala kasing ginagawa sa bahay kaya masmalambot pa sa kamay ko ang mgA kamay. niya
" For you, pasensya kana yan lang ang kaya ko". isang malaking box ang inabot nya sakin na muntik ko nag mabitawan sa subrang bigat nito.
" Ano to bato na naka box?" biro ko.
"oo, pampok-pok sa ulo mo para lumambot." sabay tawa.
Binuksan ko agad ang regalo niya sakin. Nang buksan ko,subrang na touch ako, shakespear collection, my favorite books sa mundo. Siya nga pala ang aking antibiotic kaya nga tawag ko sa kanya antic.Boyfriend ko si antic ( Angelo M. Santiago), 2 years na kami at , masasabi kong siya ang ideal man para sakin.
Hindi naman siya ganon ka bait, strict nga eh, pero subrang maaalahanin, masungit minsan pero joker. Minsan nga, sumasakit lang ang tiyan ko kakatawa sa kanya. Tawag nya sakin " Aira "( Hannah L. Valdez) short daw for bacteria, bacteria daw kasi ako. kaya daw bagay lang kami. Cute diba. hindi parehas ang field na gusto naming pasukan sa koliheyo. Ako gusto ko ang course na nakaupo lang sa opisina, siya naman gusto daw niya maging doktor. Biro nya sakin, kasi daw maghahanap siya ng gamot para sa matitigas ang ulo katulad ko.
Nagtapos ako na wala man lang kahit isang award ,kawawang ako. Si antic naka 3rd honorable mentioned masmagaling lang talaga siya sakin kaya siya rin ang tutor ko pag nababaliw na ko sa mga lessons ko. 1st honorable naman yong bestfriend kong si Alex ( Alexander B. Dela Cruz), gahaman kasi sa perfect. At si Mellissa ( Mellissa G. Valdez) pinsan kong matagal ng my crush sa antic ko . Dont she dare na lumandi sa antic ko at magkakaroon ulit ng world war, ha-ha-ha, of course joke lang, crush lang naman yon diba.4th honorable mentioned naman siya. Obvoiusly, ako lang talaga ang napag-iwanan. Isang grupo kami sa high school, kung anong section yong isa yong tatlo doon na din. gustong gusto ko ang pagkakaibigan naming apat dahil walang tinatagong lihim at samaan ng loob kaya mag-away man ay natatapos agad.
Sumunod na araw, dumating na ang pinakahihintay naming result, ang result ng entrance examination sa Unibersidad ng Pilipinas. Ako, si Alex at si Mellissa lamang ang kumuha ng examination at hindi si antic dahil sa abroad siya magaaral ng medicine. Yon ang gusto ng mga magulang niya, masmaganda daw kasi ang quality of education doon.Sa Australia lang naman siya magaaral, ayos lang, sa baba lang kaya ng Pinas yon. Hindi narin masakit sa akin ang kanyang pagaaral sa nya sa abroad dahil yon na ang matagal nilang plano.Kahit malungkot man na mapapalayo ang antic ko sakin, ayos na rin, marami nang ways of communication ngayon.
Mabait talaga ang Diyos sa amin, naka pasa kaming tatlo sa examination sa Unibersidad at si alex pasok sa top 50 na bibigyan ng scholarship. Si Mellissa kukuha ng BS in Psychology at si Alex naman BS in Biology, gusto daw kasi niya mag turo someday.
Second week ng June ang pasukan sa Unibersidad at kailangan ko nang maghanda sa pag-alis ko. Sa city pa kasi yon, eh sa province kami. Bago ang lahat ng paghahanda, syempre pupunta muna ako sa bahay ng antic ko para magpaalam. Tinawagan ko ang number nya noong araw ding pupuntahan ko siya.
" Hello!, thank you for calling antibacterial center, how may I help you?!" sagot niyang pabiro.
" Antibacterial center ka jan! ano ginagawa mo?" tanong ko. Tawa lamang siya ng tawa sa sinabi ko.
" Alam ko kung bakit ka napatawag, punta ka dito, nagluto si mommy ng dinner for us, ok, mag-ingat sa daan, wag kang magpahawak or magpasanggi, baka makahawa ka.." sabay tawa." I love you." at binaba niya ang phone.
After ng dinner umakyat kami sa kwarto niya. There I saw, tapos na pala, nakahanda na ang lahat,tommorow was his flight to Australia. Habang nakatingin ako sa mga makaimpake nyang mga gamit, unti-unting tumutulo ang aking mga luha na hindi mapigilan. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
" Don't worry, mabilis lang ang panahon, babalik ako agad." Tango na lamang ang na isagot ko sa kanya.
Habang nakahiga kami sa kama niya, hawak-hawak niya ang aking kamay. Binabalikan ang mga good and happy memories that we spent together.
" Remember ang sinabi ko sayo, kahit anong mangyari, kahit gano man kalayo ang pagitan natin, no hindrances, distance will get us apart pero, you'll always here." sabay lagay ng kamay ko sa kanyang dib-dib. Niyakap niya ko ng mahigpit at sinabing:
" Uulitin ko, I promise you, ikaw at ikaw lang ang babaing mahal ko, ikaw at ikaw lang ang ihaharap ko sa altar, at gusto kong hintayin mo ang araw na yan, we will be having our own children." Hindi ko ma explain ang naramdman ko noong sinabi nya yon. Natatakot akong umalis siya. Iniisip ko palang, parang mawawalay sakin ng hundred years.
Tumayo siya at binuksan ang drawer ng study table nya. Inabot niya sakin ang isang maliit na kahon, at nang buksan ko ito, isang necklace na may nakakabit na pendant na singsing.
" Alam mo kung ano to?, hindi ko papasuot sayo to ngayon, I just want you to wear this necklace, at ang singsing na to, isusuot ko ito sa daliri mo pagdating ko mula sa abroad, at wala ka nang kawala, pwera nalang kung you changed your mind, but of course alam ko hindi mangyayari yon." Paliwanag niya ng maykasiguraduhan. Sinuot niya sa leeg ko ang kwentas with a kiss.
BINABASA MO ANG
PAINLESS LOVE ( Romance story )
RandomA love that started young. A love that became an inspiration for the two lovers for their dreams. When suddenly, an illness broke their long time waiting for the two people who are to be binded as one.As they proved that distance will never be a hi...