Six years past, namimis ko parin siya, once a week siyang tumatawag sakin.Masyado kasing busy. Naiintindihan ko naman, kasi kahit yong mommy nya nagsasabi na halos hindi narin daw siya makatawag sa kanila.Kaya iba pa rin ang kapiling mo ang taong mahal mo. Nakatanggap ako ng text message mula kay antic.
"Maaga akong nakauwi natapos agad ang training ko, ikaw, how's your day?" kahit pagod siya from school kapag hindi sya nakatawag hindi pweding hindi siya magsend ng text. Hindi nako nakareply kasi nahihilo ako at masama ang pakiramdam ko.
Ilang araw na rin na hindi maayos ang pakiramdam ko, weeks na rin siguro. Minsan nagsusuka ako, nahihilo, kaya nawawalan na rin akong ganang kumain. Hindi ako pumasok sa trabaho ng 2 days dahil nga sa sama ng pakiramdam ko. Dahil nga nangungupahan lang kami ng pinsan ko siya na rin ang gumagawa ng gawain sa bahay.
Isang umaga pagkagising ko ganon at ganon padin ang pakiramdam ko, ngunit, pakiramdam ko masnanghihina pa ko. " Han, Han," may naririnig akong boses na tumatawag sa pangalan ko. Nang imulat ko ang aking mga mata nasa tabi ko si Mellissa at si Alex.
" Bakit?Anong nang yari?" tanong ko. Sabi ni Mellissa nahimatay daw ako, natakot daw siya kasi namumutla na ako at nanlalamig kaya tinawagan niya si Alex na kung saan di kalayuan ang inuupahang bahay sa amin.
Hindi narin muna pumasok sa trabaho ang dalawa dahil masyado silang nagaalala sa akin. " han, alam mo, kailangan mo nang magpacheck up, ilang araw kana daw na ganyan ah, di ka manlang nag sasabi sakin." nag-aalalang sabi ni Alex.
Ako naman kasi ang taong di mahilig mag pa check up. Next day nagdisisyon na lang akong na magpacheck up, for my own good naman yon eh. kasama ko rin si Alex at Mellissa that day. I underwent CT scan and other medical process. Matagal din ang hintay namin sa result.
Naglunch muna kami habang naghihintay ng result, nang bumalik kami ,sakto lang na pinatawag ako ng doktor. Hindi ako makapagsalita sa nalaman kong resulta ng lab test ko. Parang sinentensyahan ako ng kamatayan na wala namang kasalanan. Cancer, breast cancer ang pinaliwanag sakin ng doctor. Acute na daw ang sakit ko at ngayon palang nakita dahil sa sintumas. Sabi pa ng doktor kailangan ko mag under go ng chemotherapy and 1 to 2 years life span na lamang ang maibibigay nya sakin.
" Doc, pag nag chemotherapy po ba ako, gagaling na ako,?" tanong kong puno ng possibilidad. Natahimik ang doktor sa tanong ko. " Ang 1- 2 years life expectancy na binigay ko sayo is the life expectancy after chemo or surgery . Pero Kung hindi ka magchechemo or surgery , it would decrease to 8 months only.." paliwanag ng Doktor.
Natulala na lamang sina Alex at Mellissa sa pagkadinig nito. Hindi ko alam kung magagalit ako sa Diyos o tanggapin ko nalang ang tadhana ko. Humagolgol ako nang iyak paguwi sa bahay. Kahit gusto kong pigilin ang pagiyak ko ay hindi ko magawa.
" Han, bakit ganon? Bakit nang yayari sayo to? Bakit ikaw?" umiiyak na sabi ni Mellissa. Kahit si Alex nasa sulok na lamang at nakatingin sa akin.
" Bakit ako? ano nagawa ko? ganto naba ako kasama para parusahan ng ganto?".
Buong gabi akong hindi nakatulog. Si Alex binabantayan ako, si Mellissa paidlip idlip lang. Nag luto ng agahan si alex para saming tatlo dahilpakiramdam ko para na rin akong manika na walang buhay. Ni hindi ko magawang igalaw ang katawan ko sa kinlalagyan ko. lumilipad ang isip ko na hindi ko alam kung saan umaabot. Biglang sumagi sa isip ko si Angelo. Pano ko sasabihin sa kanya ang nangyayari sakin ngayon. Pano kung hindi na nya ako abutan pa sa babalik nya. Papano ang pangako namin sa isa't isa. Sa kalagayan ko ngayon, guguho ng lahat nang magagandang plano namin sa buhay.
Kahit sa mga magulang ko di rin alam pano ko sasabihin. Di ko alam kung pano nila tatanggapin ito. Kinausap ko si Mellissa at Alex. Pinakiusapan ko sila na wala silang pagsasabihan tungkol sa sakit ko lalong lalo na kay Angelo. Ano man ang disisyon na gagawin ko, pakiusap ko na pagbigyan nalang nila ako sa hiling ko. Ako na lamang magsasabi sa mga magulang pag uwi ko sa probensya. Pero sa hirap ng buhay namin, pano ako makakayanang ipagamot ng mga magulang ko. Napakamahal ng chemotherapy. Subrang pahirap ang iibibigay at iiwan ko sa pamilya ko.
" Alex, alam mo na ikaw ang matalik kong kaibigan, Ayokong pahirapan si Angelo sa future life nya. Tulungan mo naman ako please, Kailangan kong hiwalayan si Angelo sa mabilis na paraan," pakiusap ko sa kanya.
" Ano ibig mong sabihin?" Tanong nyang pagtataka sa mga katagang sinabi ko.Napailing na lamang ako sa tanong niya.
Kahit ilang beses kong isispin, wala na kong ibang paraan na malutas ang problemang ito. Ayaw kong pahirapan si Angelo ayokong magdusa siya at mag-isa sa mga taon na wala na ako. May isang bagay lamang ang sumasagi sa isip ko, na sa tingin ko ay tamang gawin upang habang maaga pa, makapagbagong buhay na siya. Isang taon nalang daw babalik na siya at tutuparin nya ang pangako nya sakin. Habang hawak-hawak ko ang singsing na bigay niya sakin, naiisip ko na hindi na ako ang karapatdapat sa singsing na yon. parurusahan ko lamang ang mahal ko.
Masakit man para sa akin. at alam kong masasaktan ko sya ng lubos sana mapatawad niya ko sa gagawin ko.
Kinausap ko ang mama at papa ko na ayoko na mag pagamot. Magiging useless lang naman, matatapos din ang buhay ko. Pero ayaw pumayag ng magulang ko.
" Anak, kahit gano pa kamahal ang magagaston namin sayo, wala yon, importante, makasama ka pa nmain ng matagal." umiiyak ang mama ko sakin.
" Ma, nasasaktan akong nakikita kayong ganto dahil sakin, after nito, after 1 or 2 years, iiwan ko kayo, ayokong pati kayo mahirapan dahil lang sakin." humahagolgol ako sa iyak, dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko.
Dahil na rin sa kagustohan ng magulang ko na ipagamot ako, pumayag na rin ako, gusto kong mapasaya sila na kasama ako sa maikling panahon. I started my chemotherapy, lumuwas ako kasama ng mga magulang ko papuntang Manila upang doon mag pagamot. Mula noon hindi na ako nagtetext masyado kay Angelo. Inuunti unti ko na ang pagpapaalam sa kanya. tinitext ko siya na masyado akong busy simula sa mga araw na yon at bihira ng makareply. kung maka reply man ako, ay sagot na lamang sa mga tanong nya at wala na.
![](https://static.wattpad.com/img/image-moderation/blocked-cover.jpg)
BINABASA MO ANG
PAINLESS LOVE ( Romance story )
RandomA love that started young. A love that became an inspiration for the two lovers for their dreams. When suddenly, an illness broke their long time waiting for the two people who are to be binded as one.As they proved that distance will never be a hi...