Nakakaaliw maglaro ng SOR o Sword of Romance. Marami akong nakilala. Nakilala ko ang aking babies. Sina Bebe Angel, Bebe Brook at Bebe GA.
Ate ko talaga ang nagturo (o hindi nagturo) sa aking sa maglaro nito. Si Gumiho, yun ang pangalan nya. Si ate din ang dahilan kaya nakilala ko siya.
Ang taong walang mukha. Hindi nya kasi pinakita sa akin picture nya sa facebook. Kahit ang totoong pangalan nya hindi ko rin alam. Tinatawag ko na lamang siyang hubby. Rayvin ang in game name nya.
Kung tatanungin mo kung bakit hubby ganito kasi iyan. Sa larong SOR bukod sa pagpapalakas ng iyong character, pwede ka ring ma engage o ikasal. Upang lumakas kami si Ate ang nagdesisyon na ipakasal namin ang mga character namin. Si Rayvin at ako ang naging magkasama. Si Romel at Angel naman. Si GA at si Shane. Si Brook at Drops.Nakakatuwa si Hubby. Maraming LT moments sa SOR dahil sa kanila ni Romel na kasama nya sa SOR at sa work.
Madalas kaming magbanner quest. Ito yung pagbasag sa flag ng kalaban. Magkakasama kaming apat: Ako, Si bebe Gel (Angel), si Mel (Romel) at si Hubby. Si Hubby ang leader namin. Tinatawag namin sya ni Bebe Gel na captain. Siya ang nagtuturo sa amin kung saan kami aatake.Masaya ang bawat moments. Minsan ginagawan namin ni Bebe Gel ng bromance si Rayvin at Romel. Tinatawag namin ang Bromance na iyon na Melvin.
Lagi kong kausap si Hubby sa private message ng SOR. Nakakatuwa sya.
Kaya... Hindi ko rin alam kung bakit siya biglang nawala.
Tinanong namin ni Bebe Gel si Romel kung ano na ang nangyari kay Hubby.
Sabi nya lumipat daw ng work sa bagong restaurant.
Hindi na sya naglaro mula noon.
Na mimiss ko siya. Sayang hindi ako nakapagtapat sa kanya ng tunay kong nadarama.
----------------------------------------------
"Wifey!" chat nya sa private message ko.
"Hubby! Namiss kita nasaan ka ba nagpunta" sabi ko.
"Hindi na mahalaga basta nandito na ko."
"Umiiyak kaya kami ni bebe Gel. Pati si Mel nawala din."
"Haha. Mahal ako nun eh. Pero di na ko aalis."
----------------------------------------------
Nagising na ako. Nakatulog pala ako sa bus.
Tumingin ako sa paligid ko. Nakita ko yung katabi kong lalaki kanina pa ako tinitignan."Hi miss."
"Huh? Kilala ba kita?""May ipagtatapat sana ako sa iyo. Sorry kung tinignan ko yung phone mo."
"Sino ka ba?" pa angal kong sabi.
"Sa wudi tayo next."
"Huh?"
"Rayvin nga pala. Hubby mo.""Pear?"
Natulala na lamang ako pero tuwang tuwa na nandito sya.
BINABASA MO ANG
Sa Iyo.
ChickLitWala ngang kwenta ang maghintay pa sa taong hindi na babalik. Kapag iniwan ka dapat kang matutong tumangap. Hindi mo man alam ang dahilan ng pag alis nya, maari mo pa ring tangapin ito. Masakit pero higit na mas masaksaktan ka lamang kung hindi mo i...