Sorry na? Sorry ba? Ano ba dapat kong sabihin? Magsorry?
Haha. Ako magsosorry? Ano ba ginawa ko? Naging totoo lang naman ako sa kanya at sa sarili ko.
Siya nga itong nawala. Mas pinili nya ang mag-inom. Mas pinipili nya ang pagbibisyo.
Hindi ko rin naman siya masisi. Sino ba ako sa kanya? Kalaro lang.
Ka-la-ro. Hindi kaibigan, mas lalong hindi minamahal.
Sa paglalaro ko siya nakilala. Parehas kaming naglalaro ng Sword of Romance. Parehas kaming miyembro ng Shield. Dave ang totoo nyang pangalan pero ang gamit nyang in game name ay panty_droppers. Sa in game name palang halata mong di sya dapat pagkatiwalaan.
Noong una lagi kaming nag-aaway nyang si dave. Well actually since the start. He is just freaking annoying.Kung hindi lang kami siguro inassign ni Gumiho sa isa't isa malamang mas lalo ko pa syang aawayin.
Active sya sa Group Chat namin sa Facebook. Mas active pa nga kesa sa laro.
"Hoy Dave. Ano? Maglalaro ka pa ba?" sita ko sa kanya.
"Opo kamahalan. Medyo busy lang sa work." Kamahalan ang tawag nya sakin. Ako daw ang reyna at siya ang hari sabi ni Pear.
Sa lahat ng mga ipinagkasundo ni gumiho, kami ang huling na-engage sa laro. Busy kasi siya sa work.
Ang bagal nya pa. Hindi na sya gaanong nakakalaro kaya naiwan na ang power ng character nya.
Sa sobrang tagal nya parang gusto ko na ibenta yung ring pero di ko naman ibinenta.Madalas ko syang inaaway.
Minsan sinabi nya na magpa-engage na daw kami. Nagpunta ako dun pero wala sya. Hinintay ko sya pero di sya dumating.
Naiinis ako. Wala syang kwenta.
Sinabi ko kay Pear, GA at Gel. Nainis sila. Si Gel at pear handang magpa prison sa pag personal kill kay Dave. (Magkakampi kasi kami kaya pagpinatay nila Gel at Pear si Dave. Makukulong sila sa kulungan ng SOR)
Nainis ako. Ayaw ko na magpa engage sa kanya.
Patuloy nilang pine-personal kill si Dave. Ang pasensya ni Dave na pakahaba. Kahit anong sabihin ko hindi agad sya nagagalit pero nung sinabi ko na ayaw ko na magpa engage sa kanya... Nag leave sya sa Group Chat. Hindi ko alam gagawin ko. Naging totoo lang naman ako.
Gusto kong bumalik sya.
Bumalik naman sya agad. Napagkasunduan naming ituloy na ang engagement."Kamahalan, Will you marry me?" sabi nya sa Group Chat.
"Utot mo Dave." sabi ko.
Si Gel naman kinikilig. Sinamahan pa kami mag pa engage.
Then we got engage.
"Makakatulog na ko ng mahimbing dahil engage na kayo." pagbibiro ni Gel.
"Ako din with a smile." sabi ni Dave. Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o hindi.
Yun na pala ang huli nyang pagbukas ng SOR. Naging busy sya lalo sa work. Nalaman ko na nagresign sya. Pinagsabihan ko sya. Mukhang bad trip sya sa taong katrabaho nya na gumagawa ng kwento ukol sa kanya.
Napadalas lalo ang pag inom nya.
***
Papunta na ako sa Skyranch... Makikita ko ngayon ang Shield. Kasama sya.
Pagdating ko sa skyranch, agad akong nag chat sa group chat. Matapos umupo ako sa isang bench.Tumingin sa aking mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko.Tumutugtog ang kantang Sayo ng Silent Sanctuary ng bigla siyang dumating na may hawak na isang dosenang pulang rosas.
"Kamahalan, Sorry wala sila Gel ngayon. Pwede bang bawiin ko yung mga araw na nawala ako?"
Hindi ko naman talaga gusto na wala siya.
BINABASA MO ANG
Sa Iyo.
ChickLitWala ngang kwenta ang maghintay pa sa taong hindi na babalik. Kapag iniwan ka dapat kang matutong tumangap. Hindi mo man alam ang dahilan ng pag alis nya, maari mo pa ring tangapin ito. Masakit pero higit na mas masaksaktan ka lamang kung hindi mo i...