Chapter 10

8.3K 144 12
                                    

Dedicated ito Kay Bloody_323_sindi

Sorry for the long wait. Here it is:

Janella's POV

"Good. And I don't like it kapag may nakikita kang gwapo maliban sakin. Gusto ko ako lang ang gwapo sa paningin mo dahil boyfriend mo ako at akin ka. Wag kang titingin sa ibang lalaki dahil masama akong magselos. Ok? Akin ka lang Janella."

Napatulala na lang ako sa kanya habang nagsisink-in yung mga sinabi nya.

OMO!!! Kenekeleg nemen eke....

Ganda ganda ko talaga. Hihi.

"Your blushing. I like that." sabi nya sabay hawak sa cheeks ko.

Waaahhhh!!!!!

Wag masyadong magblush Janella. Whoo! Baka isipin masyado kang nabibighani sa taglay nyang kagwapuhan!!!

"M-mainit kasi dito sa kwarto mo. Tsaka buksan mo na yung TV. Matatapos na yon." sabi ko habang iniiwasan ang kanyang tingin.

"Alright." sabi nya habang nakangisi.

Di naman nya nahalata, diba?

-----

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may mabigat na bagay sa bahagi ng tyan ko tsaka sa legs.

"Hmmm..." pilit ko yun tinatanggal pero lalo lang humihigpit. Pati yung humahawak sa pisngi ko, tinatabig ko na nga pero laging bumabalik. Alam ko namang flawless ako pero nakakainis.

"Ano ba-" sabi ko naman kay mama wag na akong ibaby - napamulagat ako ng may naririnig akong nagpipigil ng tawa.

Damon!

Oo nga pala wala ako sa bahay!

"Hi love. Good morning" salubong nya sa akin tsaka ako hinalikan sa ilong.

Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko. Jusme, Damon! Aga-aga pinapakilig mo si Dyosa!

At syempre ako yun. Hihi.

"Your so cute." sabi nya habang nakangiting nakatingin sakin. Haaayyy ang hirap maging maganda.

Akmang baba yung mukha nya nung pigilan ko sya tsaka ko tinakpan yung bibig ko.

"Why?" kunot noo nyang tanong.

"Di pa ko nagtu-toothbrush" sabi ko with iling.

"A beautiful woman like you deserves a good-morning-kiss. Come on. I want to kiss you,love." sabi nya habang pilit na tinatanggal yung kamay ko.

Hindi naman sya totally nakapaibabaw sakin kaya tinulak ko sya. Buong lakas kaya naman napunta sya sa kabilang side at di ko na sinayang ang pagakakataon. Agad na kong tumayo tsaka pumunta sa banyo.

Sinara ko na yon habang hinihingal. Grabe!

----

Pagkatapos kong gawin ang morning ritual ko, tumingin ako sa salamin dito sa banyo habang nagpupunas ng bibig.

Haaaayyy. Di ako magsasawa dito sa kakatingin sa mukha ko. Ganda ko kasi eh. Hehe.

Lumabas na ko pero di ko na nadatnan si Damon kaya naman niligpit ko na yung pinaghigaan namin tsaka lumabas na ng kwarto. Kabisado ko na to kasi naglibut-libot din ako kagabi eh. Kaya naman pumunta ako sa kusina habang inaamoy ang mabangong niluluto ni Damon.

Nang makarating ako sa bungad ng kusina, nakita ko syang nakatalikod sakin. Nakasuot sya ng sando tsaka ng boxer. 

Wooow!!! Grabe! ngayon lang ako nasexyhan sa isang likod ng lalake! Bat pag kay papa, di naman ako nasesexyhan pero bat sakanya natutulala ako? Pati yung pang-upo nya, mas matambok pa sakin! Yung balikat nya,sobrang lean! Parang ang sarap kumapit dun! Tapos yung braso nya,sobrang macho! yung parang tabigin kana, tatalsik ka. Pero syempre,masyado ng OA yun. 

The Demon's ObssessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon