Janella's POV
Hanggang ngayon na pauwi na ay iniisip ko pa rin yung mga pinag-usapan namin nila Sandra.
May dinagdag pa mga siya don eh.
Pag daw sandaling nawala lang daw siya, miss na miss mo na daw agad. Tapos hirap ka ding makatulog sa gabi dahil sa kakaisip sa kanya, tapos pag tinitignan ka daw niya, parang feeling mo sobrang ganda mo na daw. Tapos ayaw mo daw na may kasama daw siyang ibang babae. Gustong-gusto mo daw yung feeling na nasa tabi ka lang daw niya kasi you feel secured daw. Hmm... Ano pa ba? Dapat pala sinulat ko yon. Tsk.
Napatigil ako ng may pamilyar na amoy akong naamoy sa paligid. Yung amoy na sobrang bango.
Damon.
Hala! Pati yung amoy niya, memorize ko na din?! Kasama ba toh sa mga signs ni Sandra? Makapagsearch nga. Pati yung pabango ni Damon syempre. Hihi.
Napaangat ako ng tingin dahil sa amoy. At hindi nga ako nagkamali. Nandun si Damon ko sa parking. Nakapamulsa at nakasandal sa kotse niya. Para ngang galing pa siya sa trabaho niya dahil sa polo niyang nakataas yung manggas hanggang siko. Pero nakabukas yung unang tatlong butones niya na kinalitaw ng mabato at sexy niyang dibdib.
Shocks. Ang pogiiii!
Hindi ko alam na natulala na pala ako sakanya. Kung hindi lang siya nag-angat ng tingin at ngumisi dahil yata napansin na nakatingin ako sa kanya.
Tingin lang ba? Baka naman titig.
Hayts na utak toh!
Namula ako ng lumapit pa siya papunta sakin habang nakapamulsa tapos matiim pang nakatitig sakin.
Hot.
Napakagat ako ng labi dahil don. Sa init na yon. Shit. Ano ba toh?
Napatitig naman siya sa labi ko dahil don. Tas parang bumilis pa siyang naglakad papunta sakin.
Shocks! Oo nga pala. Wag ko daw kagatin yung labi ko.
Huli na para don dahil nahalikan niya na ako.
Di pa nga ako prepared kaya hinawakan ko yung kamay at braso niya na nasa mukha pero mas lalo pa niya akong hinalikan.
Parehas kaming humihingal pagkatapos ng halik na yon.
Namumula naman akong yumuko at palihim na tumingin kung may ibang taong nakakita samin. Hayts. Si Damon kasi, sunggab ng sunggab. Ma-issue pa 'ko nito nyan eh. Tsk.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya dahil siguro dun sa ginawa ko. Bakit? Mali bang mag-ingat?
"Damon ko, sa susunod na hahalikan mo ko, wag sa school o matao ah. Baka kasi—"
"Love, they already know about us." Sabi niya sakin habang nakatingin sakin ng matiim.
Eh?
Kaya ba kanina nabawasan yung attention na nakukuha ko? Parang mga bigo kasi yung mga lalaki tapos iba-iba naman yung tingin ng girls sakin. May envy, kinikilig at kung ano-ano pa.
Artista ba toh si Damon?
Ayy. Oo nga pala, sikat na businessman pala tong boyfriend ko. Yieeh.
"Come on." Yaya niya sakin atsaka ako hinawakan sa baywang tsaka kinuha yung bag ko.
"Di naman mabigat eh. Tsaka ang lapit lang ng—"
Napatigil ako sa pagsasalita dahil halos maduling ako ng humarap siya sakin at hinigit pa ako palapit. Sobrang lapit.
"First, your my girlfriend. Second, I want people to know that your mine so I'll kiss you and all. Third, since your mine, I'll do what a boyfriend must do to his girlfriend. Like this."ipinakita niya yung bag kong dala-dala niya.
BINABASA MO ANG
The Demon's Obssession
Fiksi Umum"Tell me,who own you?"sabi nito habang dinidilaan at kinakagat-kagat ang aking tainga. "Y-your the o-one who own me."sabi ko ng pabulong dahil pinipigilan kong umungol.. He chuckled then start to kiss my neck. "Your mine.Body,heart,mind and soul.No...