Nong una tila parang isang fairytale,
Na akala’y tinadhanang sadya,
Para bang isang surpresa,
Na akala’y binigay sadya.Isang laro na akala’y totoo,
Pero sa likod nito’y puro kasinungalingan.Isang tao ang bumihag sa puso,
Mabait siguro,
Maalahanin siguro,
Maunawain siguro,
At mapagmahal siguro.Naging masaya na walang katapusan,
At naiisip na siya na,
Umabot ng isa at umaasa sa ikalawa.Ngunit ang lahat ay nag-iba,
Nagbago na tila isang bulaklak na nalanta,
Naghihintay sa bawat oras, minuto at segundo,
Pero di alam naghintay lang sa wala.Kay hirap tanggapin ang sitwasyon,
Gustong umiyak at magmukmok,
Gustong awayin ngunit di kaya.Napaisip kung bakit ano’ng nagawang kasalanan,
Napaisip totoo ba ang lahat ng sinabi,
Napaisip kung maging okay pa,
Napaisip kung babalik o hindi na.
Napakasakit tila nalulunod sa gitna ng dagat.Naalala ang mga nangyari,
Na puro palang kasinungalingan.
Sana naman bago lumayo,
Nagsabi ng rason,
Dahil sa hanggang ngayon patuloy paring umaasa ang TANGA.