7

29 0 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Tyron kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon.

Naguguluhan talaga ako.

Bakit kailangan pa niyang sabihin na ayaw niya akong masaktan. Tss kalokohan eh ano iyong ginawa niyang pang-iwan sa'kin?

Hindi ba ako nasaktan dun?

Hindi man lang niya maipaliwanag sa'kin kung bakit siya nakipagbreak. Ah wait. NO NEED na pala, baka mas lalo lang akong masaktan pag nalaman ko pa ang dahilan. Alam ko naman eh mas mahal niya na ngayon ang ahas na iyon.

pero ang nagpagaan ng pakiramdam ko ng malaman ko na.....

minahal niya pala talaga ako. Masaya na ako na malaman iyon.

Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Uy bes, anong ginagawa mo diyan? aalis na daw tayo. Kanina ka pa namin hinahanap."

"Ah ganun ba sige tayo na.." 

----Sa loob ng bus

Huwag niyo na kayang alamin ang mga nangyari sa loob ng bus. Nakakainis eh, pero sige na nga konte lang huh.

Habang nasa loob kami ng bus, itong ahas na ito todo kung pumulupot kay Tyron masyadong PDA huh. At madalas pang magparinig tsk. Kanino pa ba edi sa akin.

Buong byahe ganun pa rin ang pinapakita ng ahas na iyon. Nakakairita. Grrrr

Kung pwede lang bang balatan ito ng buhay ginawa ko na. Syempre kahit papaano affected pa rin ako...Hello ilang linggo palang kaming break at hind madaling mag move on.

*RIIIING*

"Bes may tumatawag sa iyo"  nagulat ako sa biglang pagtapik ni bes sa'kin, napansin kong may tumatawag nga sa'kin kaya agad ko itong sinagot.

Oo na wala talaga ako sa concentration ngayon paano kasi iniisip ko kung paano ko ipapatapon ang ahas na ito na walang nakakakita. Parang gusto kong ipatapon sa pluto eh.

"Hello sino ito?"

"Hey! it's me."

Ano daw??

Wala akong kilalang ME. Bakit ayaw pa niyang sabihin ang pangalan niya?

"Huh? Pwede ba tinatanong kita, Huwag mo nga akong maingles ingles diyan."

"Don't you remember me?"

Ay putek naman oh. Sino ba ito? bakit hindi pa niya ako diretsyuhin.

"Pssh Ewan ko sa iyo. Ano ako manghuhula?? Sorry, Hindi kita kilala. Bye!"

Sa inis ko binaba ko na agad ang phone. Hay gawin ba akong manghuhula?

Wala namang nakaregister na panagalan sa phone ko. Isa pa hindi ako manghuhula.

"Sino iyon bes? bakit parang badtrip ka yata?"

Katabi ko nga pala ang bes ko kaya malamang napansin niyang badtrip ako sa kausap ko sa phone.

"Wala iyon. Nangugulo lang." walang ganang sabi ko.

Nang makarating na kami sa University.

"Hey guys, mauna na kami huh. Bukas nalang" paalam ni Patrick

Umalis na siya kasama ang iba pa naming barkada.

"Bes, saan tayo kakain? ayaw ko pang umuwi eh." sabi ni bes. Aba himala ayaw pa niyang umuwi. Ah ok mukhang may iniiwasan ito huh. Iyong half sister lang naman niya. Hay malandi rin iyong sister niya na un eh. Haha sorry sa term.

"Sige bes, pero may kukunin lang ako sa room. Hintayin mo nalang ako dito." tumango siya. kaya agad akong pumunta sa room.

Bago pa ako makapasok sa room napansin ko agad iyong couple na iniiwasan ko. Nang makita ako ni Krstine bigla nalang niyang niyakap si Tyron at......hinalikan niya ito. pakshet torrid pa.

Harap harapan talaga?

I know sinasadya niya talagang ipakita iyan sa'kin >_<

Hindi ko sila pinansin at agad kong kinuha ang notebook ko sa table.

Bago ako nakalabas ng pinto.

"Oh Sandra you're here pala"

Tsss. plastic talaga nito, eh halata naman na kanina pa niya ako nakita.

Lumingon naman sa'kin si Tyron, pero hindi na ako humarap sa kanila at nagpatuloy na ako sa paglabas hanggang makalabas ng room.

Sa hindi kalayuan, napahawak ako sa dibdib ko. Gosh. Hindi ko kinaya iyong eksena. Fine Oo na nagseselos pa rin ako. Masisisi niyo ba ako?

Pinigilan ko nalang tumulo ang luha ko. Ayaw ko maging emosyonal this time.  Baka makita pa ako ni Bes na umiiyak na naman dahil sa lalaking iyon.

Pagkababa ko agad kong hinanap si bes.

"BESSSS!!!"

Laking gulat ko ng bigla niya akong dambahin.

"Bes, ano bang nangyari sa'yo nasaniban ka ba?"

"Gosh bes, dito pala mag-aaral ang sikat na model/print ad model sa America."

"Ahh so?"

"Anong so? wala ka talagang pake noh? hindi mo ba alam na sikat iyon at gosh! ang gwapo niya!!"

"Ahh so?"

"Ah ewan. Wala ka talagang kagana gana kausap bes pagdating sa mga ganitong bagay."

"Sino ba kasi iyan? at paano mo naman nalaman na dito mag-aaral iyong sikat na model na sinasabi mo?"

"Si Henry!! syempre nalaman ko dito sa site natin. Ang dami na ngang nagcomment eh. Lahat sila excited na."

"Ahh ok. So inshort marami na namang makikipag-agawan sa taong iyon. Baka naman may GF na iyon."

"Bes, wala pa. Single iyon. kaya for sure marami talagang makikipag-agawan dun. Kasama na ako. HAHA. Sama ka rin" ayy nagyaya pa itong bes ko. lokaloka talaga. Ayaw ko. tss Hindi pa nga tapos ang heart problem issue ko dadagdagan ko pa.

As if naman mapansin ako nun?

-----

habang kumakain kami.

"Bes, Scott pala ang apelyido nun. Henry Scott ang sosyal noh? pero sabi nila half American half Pilipino da ito at marunong magtagalog. WAAAAH!"

"Uy bes dahan-dahan naman diyan. Para kang baliw eh. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh. Konteng hiya naman diyan"

"Hahaha sorry nababaliw na  nga talaga ako. I'm soooooo excited!"

 "Halata nga bes."

*RIIIIIIIIIING*

*RIIIIIIIIIIIING*

Sino na naman ba itong tumatawag?

Unknown number?

"Hello?"

"Hey Sandy! It's me?"

Narinig ko ang nakakairitang boses. Siya na naman. Ano bang problema nito?

Teka? kilala niya ako?

"I'm here in the Philippines, Wala ka bang balak sunduin ako?" O_O

I still LOVE UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon