9

21 0 0
                                    

"Class dismissed" sabi ng prof. namin.

Hay sa wakas at last subject na makakapagpahinga na ako.

Lumabas na ako ng room at naglakad na walang kabuhay buhay.

Hay lalo na siguro kung madalas kong maging kaklase ang ahas na iyon, nakakakulo ng dugo. Kahit kelan talaga panira ng araw.

Umagang umaga palang nasira na ang araw ko. tsk kainis talaga ang Krstine na 'yon kahit kailang talaga papansin.

Pumunta ako sa library para magsauli ng libro.

"Gosh talaga confirmed na dito siya mag-aaral?"

"Oo confirmed na talaga. Excited na ako girl, sana mapansin naman niya itong beauty ko"

"Hahaha asa ka pa. for sure marami ng aaligid diyan. Ngayon palang maraming ng humanga sa kanya what more pa kaya kung nandito na siya"

Hay Lord please tama na. kanina ko pa naririnig ang mga pinaguusapan nila tungkol sa model na hilaw na iyon. Wala na ba silang ibang topic at iyon palagi ang pinag-uusapan?

Haist pagnakita ko naman si bes malamang sa malamang bukang bibig na naman niya ang model na iyon. Ayaw ko ng magtagal pa sa school na ito, naririndi na ako sa mga naririnig ko. Makauwi na nga.

---Bahay

Pagkauwi ko sa bahay nagbihis at humilata sa kama. Naisipang kong buksan ang phone ko. eh kasi in-off ko ito kanina, ginagawa ko talaga iyon lalo na pag may klase.

Nang binuksan ko ang phone. nakita ko ang sunod sunod na messages.

5 messages?

at

1 miscol?

una kong tiningnan ang miscol, syempre importane iyon.

Number lang ang nakalagay. sino kaya ito? tanong sa isip.

Sumunod binuksan ko naman ang mga messages ko, galing lang naman kay bes.

Hindi kasi ako nagpakita sa kanya kanina eh. kaya siguro nagtext siya.

Paano kasi iyong model lang naman na iyon pag-uusapan namin. Nakakasawa na. Grabe pa namang tumili ang bruha na 'yon kapag kinikilig.

text niya sa'kin:

Bes, nasan ka?

Bes, may ikukwento pa ako sa iyo. San ka na?"

 

 

Ilan lang iyan sa mga message niya.

Teka 4 messages ang natanggap ko kay bes. Iyong isang messages naman unregistered number.

Binuksan ko ito at binasa.

"Did you miss me?"

Ay grabeeh. Sino ba ito?

Ang kapal ng mukha ha.

Hindi kaya na wrong send lang ito.

Oh well baka nga.

Pinatong ko ang phone sa table ko at muling humiga sa kama. pinatong ko ang braso ko sa mata ko.

Gosh ano ba ito. Dahil sa Kristine na iyon nasira ang araw ko at dahil dun nabasa ang mga notes ko. Kainis talaga!!!

Wala na nga ako masyadong gagawin ngayon nadagdagan pa. Hay nakakainis talaga. Gusto ko pa naman sana magpahinga ngayon.

Dahil sa wala akong choice bumangon ako at kinuha iyong notebook.

I still LOVE UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon