DUE

53 1 0
                                    


"KAINAN na!" deklara ni Cielo. Pinagkiskis pa niya ang mga palad bago buksan ang Tupperware na pinaglalaman ng tanghalian niya. Inihanda iyon ni Tita Gina kaninang umaga bago siya umalis ng bahay. Nasa gitna na siya ng pagkain nang mapansin niya ang katrabahong si Ace. Parang inis na inis na ito sa ginagawa.

"Argh! Mali, mali!" naiinis na wika ni Ace. Kinamot ng dalawang kamay nito ang ulo saka nilamukos ang papel na nasa harap at basta na lang itinapon. Pagkatapos ay muling isinubsob ang atensiyon sa blangkong papel sa harap nito.

Pinagulong ni Cielo ang swivel chair palapit sa worktable ni Ace saka sinipat ang ginagawa nito habang nakasubo pa sa kanya ang kutsara.

"Ano ba 'yang ginagawa mo, Ace?" tanong niya.

Gulo-gulo ang buhok na nag-angat ng tingin sa kanya si Ace. Nagulat siya nang bigla na lang nitong hawakan ang mga balikat niya. "Cielo, tulungan mo ako!!" pagmamakaawa nito.

"H-ha?"

Binitiwan siya ni Ace at bumagsak ang ulo. "Kaninang umaga, kinausap ako ni Sir. Ibinigay niya sa akin 'yong prototype ng laruan na ipinasa ko no'ng isang linggo. Baguhin ko raw dahil ang pangit ng pagkakagawa. Hindi child-friendly at walang pag-asang maging salable sa market. Kailangan ko raw matapos ang revision ng blueprint ko ngayon. Kung hindi, hindi raw ako maisasama ang creations ko sa launch sa Malaysia next month. At isa lang ang ibig sabihin n'on..."

"Tapos na ang career mo bilang toy creator," dugtong ni Viper na nakasandal sa gilid ng mesa ni Ace.

Katrabaho niya ang dalawa sa Happy Toys, isang toy company.

Mga creators sila ng toys and educational materials para sa mga bata ages 0-10 years old.

Si Ace ang creator ng plastic toys. At sa sobrang addict nito sa pag-invent ng mga laruan, nagiging isip-bata na ito. Halos lahat ng gamit, kapag na-trip-an ni Ace ay nilalagyan nito ng gooey eyes. Gaya na lang ng sapatos nito, maging ang desk lamp. At noong isang beses naman ay ang percolator sa pantry.

Si Viper naman ay mas naka-focus sa invention ng wooden toys. Mas madalas na approved agad ang inventions ni Viper dahil unique at child-friendly. Most especially, educational. Madalas ipamigay sa sinusuportahan nilang bahay-ampunan ang mga prototype creations ni Viper bilang sample products at makita ang effect n'on sa mga bata. Laging positive ang feedback sa mga creations ni Viper. Kaya nagkaroon na rin sila ng toy line na may pangalan ni Viper. Nag-launch na rin sila ng series of toys na puro creations ni Viper at nag-succeed iyon.

At siya naman, board books, flash cards, at board charts ang mas ginagawa niya.

Kaklase din ni Cielo ang dalawa sa Vitto Scheda.

Si Ace ang una niyang naging kaibigan sa VSIS. Nakilala ni Cielo ang binata nang minsang ipinagtanggol siya nito sa mga kaklase niyang nangbu-bully sa kanya. Mula noon ay palagi na silang magkasama at wala nang nang-bully sa kanya.

Sikat si Ace sa eskuwelahan nila dahil bukod sa kamag-anak nito ng may-ari ng eskuwelahan ay captain ito ng soccer team nila.

Si Viper naman ay black belter ng Karate.

"Kung magsalita ka, parang nakapagpasa ka na rin ng sa 'yo, ah," parang batang atungal ni Ace.

Bahagyang nagulat si Viper. Pagkatapos ay tumikhim. "Hindi ko naman kailangang mapasa—"

"Ano, hindi ka pa rin nakakapagpasa, 'no?" tudyo ni Ace.

Gumanti si Viper hanggang sa tuluyan nang nag-asaran ang dalawa.

Natatawang pinanood lang ni Cielo ang dalawa habang kumakain siya.

"Kaysa ipinagdadaldalan n'yo, sana ay itinutok n'yo na lang sa trabaho, may natapos pa sana kayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Arcana Series book 1: Hunter's ParadiseWhere stories live. Discover now