Nakatayo ako sa harap ng isang malaking palasyo na nasa itaas ng bundok na natatabunan ng mga malalaking puno. Ang palasyo na pinamana sa amin ng mga magulang namin. Ang palasyo na naging tahanan namin. Ang palasyo na naging tulugan at takbuhan kapag walang mauwian.
Halata sa palasyo na luma na at mukhang hindi naalagaan ng mga ilang taon. Totoo naman na ito ay hindi naalagaan, sapagka't ito ay mas matanda pa sa'kin, ayon sa kaalaman ko. Wala itong caregiver. Sadyang pinamana ito ng dating hari sa aking itay na matagal na nawalay sa piling naming magkakapatid.
Kinuyom ko ang mga palad ko sa galit. Ang palasyo na tinitirhan namin ngayon ay may mga halaman na nakakapit at kailangan na pinturahan at ayusan dahil sa mga bitak bitak na pader nito sa harap. Pwede itong ihalintulad sa isang haunted mansyon, pero dahil ito ay pamana ng kaharian, binigyan pa rin kami ng kuryente at tubig.
Basta ay malayo kami sa bayan, maayos sila.
Ang mga magulang ko ay dating reyna at hari, na ngayon ay patay na, kaya ang pinsan ng reyna, si haring Joseph ang naghahari ngayon sa bansa. Dapat si kuya Juan, ang panganay, ang uupo sa trono, pero mas binoto ng mga tao si Joseph, kaya't napaalis kami sa sarili naming tahanan sa utos ng bagong hari.
Labing dalawang gulang ako noong nangyari noon, isang taon pa lang si Giollo noon at kakamatay pa lang ng mga magulang namin.
Galit ako. Galit na galit sa pamilya namin.
Galit ako sa mga Esquivel.
Nawala ako sa iniisip ko nang akbayan ako ni kuya Juan. Nakita ko agad ang mga ngiti niya na nakakahawa kaya nalimutan ko panandalian ang mga hinanakit ko.
"Bakit ka nakatulala sa pasilyo na'tin, Laya?"
Nag kibit balikat ako at ngumuso. "Para kasing.. mas maganda kung pipinturahan ang tirahan natin?"
Ginulo niya ang buhok ko at hinawi ko agad ang kamay niya sa inis. Porke mas matangkad siya sa akin at mas matanda ng anim na taon!
"Sige, pag nakahanap na kami ng maayos na trabaho nila kuya Cris at ate Aurine mo."
Si kuya Juan, kuya Crisostomo at ate Aurine ang nagtataguyod sa amin. Si kuya Juan at kuya Crisostomo ay kambal, pero mas matanda si kuya Juan. Kung ihahalintulad mo, mas mabait at malambing si kuya Juan, habang si kuya Crisostomo ay tahimik pero siya ang utak sa pamilya.
Si kuya Juan ang may malinis na pagkakagupit sa buhok, hindi dumadaplis ang mga buhok niya sa kanyang tenga at sa kanyang batok. Wala rin humaharang sa kanyang noo. Siya ang kalabiktaran ni kuya Crisostomo, kung saan humahaba na ang mga buhok niya na may mga natatabunan na sakanyang noo at tenga. Minsan ay tinatali niya ito lalo na kapag nagaaral siya o nagtatrabaho.
Si ate Aurine naman ay ang nagsisilbing ina ng pamilya. Siya ang nagluluto at tumutulong sa amin. Samantalang ako ang naglilinis at nag aalaga sa bunso namin na anim na taong gulang kasama si Laura, kapatid ko na mas bata sa akin ng limang taon.
Si ate Aurine ay may maiksing buhok na kulay itim at palagi niyang nilalagay ang ilang buhok niya sa likod ng kanyang tenga. Ganoon din naman si Laura, pero ngayon ay hinayaan niyang humaba ito hanggang dibdib katulad sa akin. Pero mas gusto niyang pinupusod ang kanyang buhok.
Silang tatlo ang mas matanda sa akin, sunod si Laura at ang bunso, si Giollo.
Makikita sa mga mata namin ni Giollo at ate Aurine ang kulay hazel sa mga mata namin na naipamana ng aming itay na may dugong d'Avila. Habang sila kuya Juan, kuya Crisostomo at Laura ay may itim na itim na kulay na mga mata na naipamana ni inay galing sa mga Esquivel.
Malaking pamilya. Pamilya na dapat nakaupo sa trono para mag lingkod.
Pilit akong ngumiti. "Sabi mo 'yan, kuya."
BINABASA MO ANG
Korona
AdventureInspired by the Selection series by Kiera Cass. 👑👑👑👑👑 She was a royalty. With her two sisters and three brothers living with her, she knew her parents didn't die in an accident. It was murder. That was when she was little. She wants t...