"Hello, this is Syreh Bulaq of Bulaklak ni Bulaq! What can I do for you?" bati ko sa kabilang linya. "Uhm, hello?"
Bakit tila sobrang mahangin naman sa kabilang linya? Umupo ako sa bench na ginawa talaga para sa mga customer ko habang hinihintay ko ang sagot niya.
"S-sa pagkumpas ng iyong kamay, aking landas ginagabay. Nag-iisang tiyak sa isang libong duda..."
Inikot ko ang tingin sa buong shop pero walang ibang tao kung hindi ang mga bulaklak ko lang na nakapahilera sa harapan ko at nakalagay sa mga vase na yari sa glass. Kahit ang mga pader ng shop ko ay yari lang sa glass kaya nakikita ko ang labas at wala namang tao roon.
"H-hello?"
"Silong sa iyak at pagluluksa. Kung puso ko ay imamapa. Ikaw ang dulo, gitna't simula. Nahanap din kita, nahanap din kita..."
Kinakanta niya ang Bawat Daan ni Ebe Dancel. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko na halos sumasabay ito sa boses niya. Malalim ngunit nakakahalina sa tainga ang boses na tila ginawa ng anghel.
Pero... humihikbi ba siya?
Nanghihina ang katawan ko. Bawat salita niya ay hinihila ako para humiga sa bench. At kahit matigas ang bench, tila naging malambot iyon dahil sa malamig na boses niya. Ang boses niya ay naging musika na hinehele ako para matulog.
"Ang bawat daan ko ay patungo, ay pabalik sa'yo..."
"Salamat, stranger." huling sabi ko bago ako hinila ng antok ang aking mga mata para pumikit.
--
Napatakip ako sa aking mata nang maramdaman ko ang init na dumadampi sa balat ko at ang mataas na sikat ng araw sa mata ko--Oh wait, ano? Mataas na sikat ng araw?
Minulat ko ang mata ko at nanglaki nang makita sa relo ko ang oras.
10 A.M na!
Nadadamay na naman sa akin ang shop ko! Huli ko na nabuksan ang shop kaya halos dalawang tao lang ang lumagpas sa shop ko kahit na Valentine's day ngayon. Parehas pa sila ng sinasabi sa flower arrangement ko.
"Anong problema nito? Sayang bayad ko, ang pangit ng mga bulaklak na pinili sa akin. Puro white! Ano, Patay lang?"
Dati nga, hindi ako maubusan ng clients at customers na dumadayo pa rito sa Bulacan para lang makabili ng arrangement ko pero...
Kinagabihan, inayos ko muli ang mga bulaklak. Wala rin naman ako ibang kayang gawin kung hindi ito. Hindi rin naman ako makakatulog hangga't di dumadating ang alas tres ng umaga dahil sa insomnia ko.
Natigil ako nang may tumilaok. Ito na naman ang ring tone ng cellphone ko. Ngayon, tinignan ko ang caller ID at wala na naman pangalan na nakalagay.
Huminga ako nang malalim at hinanda ko ang sarili sa pagsagot. Saka ko iyon pinindot."Hello--"
Pinutol ko agad ang linya niya. "Hello ka rin! Puwede ba, hindi mo ako maloloko. Wag na wag mo na akong tatawagan, alam kong gusto mo lang ako i-hypnotize o hindi kaya sabihin na ito ang roaming number ng kamag-anak ko, for your information, wala akong kamag-anak. Hindi mo 'ko mapaglalaruan!"
BINABASA MO ANG
Don't Talk to a Stranger (One Shot)
General FictionDon't Talk to a Stranger | One shot One Shot Ver. (3rd Place at Valentine's Day Contest of CRBC) Sabi nila, "Don't talk to a stranger", dahil una sa lahat ay hindi naman natin ito kilala nang lubusan at minsan, ito ang isa sa mga dahilan bakit tayo...