Sana Ako Na Lang Ulit

6.7K 261 58
                                    

Sana Ako Na Lang Ulit (One Shot)
MyJaffStories©2018

~

“WELCOME home Aira! Sa wakas nakabalik ka na ulit. Dito ka magki-Christmas?” Salubong sa kanya ng kaibigan niyang si Aya sa airport. She's with Drake and her cousin Craux na nakatitig sa kanya.

Hindi pa niya iyon nasasagot nang lumapad ang ngiti ni Drake at nilagpasan siya ng tingin. Alam na niya kung sino ang tinitignan nito.

“The ever beautiful Chef Brianna Charice Ledesma. Welcome back, I missed you so much!” Niyakap nito ng mahigpit ang Ate Bri niya. Mabilis na nag iwas ng tingin si Aira sa dalawa.

“I missed you too best friend.” Sagot ni Ate Bri niya bago nilingon at isa pang kasamang sumundo sa kanila. “Craux... You're not going to hug me? You didn't missed me?”

Craux Fermia is her sister's ex boyfriend. Nakipagbreak ang Ate Brianna niya sa binata noong nagmigrate silang magkapatid sa US though ang Ate niya lang talaga ang nag-migrate para sa pangarap nito. She wanted to become a popular Chef, she wanted to built her own restaurant that's why she ditched Craux para makapag-focus ito. And now she's very much successful kaya sa bakasyon nila sa Pilipinas umaas itong magkakabalikan ang dalawa but Craux...

She shook her head. Two years ago bumalik si Aira dito sa bansa. Hindi na inaasahan na magiging close friend sila ni Craux at mas lalong hindi niya inasahan ang pagkahulog nito ng loob sa kanya. A year before she left the country again, Craux confessed to her but she couldn't return that feeling because she is blindly in love with her sister's best friend ever since she was young. She was so in love with Drake De Villa. Mas lalo lang lumalim iyon two years ago nang sa mga De Villa siya tumira para turuan si Mrs. Luz De Villa—ang mommy ni Drake—magluto. Doon siya tumuloy noong mga panahong iyon.

“Kina Craux ako tutuloy because Tita Carlina wants me to cook for their Noche Buena tomorrow evening.” Ani Brianna nang makapasok sila sa sasakyang dala ni Craux. Ito ang nagmamaneho at tahimik pa rin mula kanina. Nasa front seat ang ate niya. Si Aya, siya at Drake naman ay nasa likoran.

“How about sa bahay, Bri?” Sabat naman ni Drake.

“Duh Drake! Magkapitbahay lang kayo ni Craux. Isa pa, I want to have a long chit chat with Tita Carlina and Tito Alfred and for sure your mother wants to see Aira too. Hindi ba't tumira si Aira sa inyo noong nagbakasyon siya rito habang nasa US ako?”

Nilingon siya ni Drake, bigla ay dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib. “Right. Hinahanap ka nga ni Mommy tsaka ni Draze.” Tukoy nito sa bunsong kapatid. “You know you're like a daughter to her that she never had.”

“So, ganon na lang? Paano ako beshy?” Singit naman ni Aya. “Gusto kong matikman ang luto mo sa pasko.”

Tumikhim siya at binalingan ng tingin ang Ate niya sa harap. Ayaw na ayaw niyang nababanggit sa ate niya ang tungkol sa pagluluto niya.

“Ah... Aya! Ano ka ba! Siyempre ayaw ko naman na bulabigin kayo ng fiance mo ano, I'm sure gusto ka niyang masolo sa pasko.”

Humalukipkip naman ang matalik na kaibigan. “Sabagay, I can go at Craux's house naman para ma-snatch kita sa mga De Villa.” Tumawa ito.

She looked at Craux again who was now looking at the rear view mirror. Nagtama ang tingin nila at kaagad siyang nag iwas ng makita ang pangungulila nito sa kanya. Hindi iyon maganda dahil mahal niya si Drake at mahal ng Ate niya si Craux then Drake is so much in love with her sister. What a love square!

“Aria! You're here na hija! I missed you! Ang hirap mo talagang ma-contact kapag nasa US ka.” Mainit na yakap ang salubong sa kanya ni Mrs. Luz De Villa.

Sana Ako Na Lang Ulit - ONESHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon