Chapter 2

0 0 0
                                    

Dominick Pov

   Hala lagot ayan na si Beth, ano kayang magandang palusot para makausap ko siya?

Am... Aha! Parang may bulb na lumabas sa ulo ko, at naisip ko na ang pwede kong palusot sa crush ko.

"A- B-Beth pwede mag-pa-patulong sa project natin?" Naku naman ito na naman ang pautal-utal ko.

"Sige ba!"

Yes! Pumayag siya.

"Ku-kung maaari sa sa-na sa library nalang tayo gumawa, kung vacant ka mamayang 10 am puntahan mo nalang ako sa library dun a-ako maghihintay."

"Uhm... Okay vacant kami mamaya wala daw si Ma'am Sheryl."

"Sige salamat uli, ma-uuna na ako."

"Sige."

At ayun nakaalis na nga ANG DAKILANG TORPE na si DOMINICK AREVALO.

Hehehehe... Actually huminto mo na ako dito sa likod ng ROOM nina Beth, tapos nakita kong paparating sina Claire, tapos sinadya niyang sikuhin si Beth kaya ayun nalaglag ang mga dala niyang aklat tapos napaupo pa siya sa sahig. Grabi yang Claire na yan. Maya-maya pa ay nagkasagutan silang dalawa. Pero di naman nagtagal kasi umalis na si Beth.

"Sorry pero di ako pumapatol sa mga tulad niyo na ang hilig lang naman ay ang magpaganda."

Yan muna ang sinabi niya bago siya umalis.

At mukhang nainis naman ng sobra si Claire dahil parang nag-uusok na sa sobrang pula ng mukha.

Hehehe Elizabeth Villaverde is my love ahaahaa, oo love ko na nga talaga siya kasi sabi ng iba pagmagkaCrush ka dapat yun ay 20 days lamang pero kung sumobra it means iba nayun L-O-V-E mo na siya.

Gusto ko siyang mayakap, makaholding hands, hahaha ang baduy ko masiyado.

She's so nice, ang bait ang talin0 I think lahat na ng tipo ko sa babae nasa kaniya na. Pero wala namang patutunguhan yun kasi nga di kami bagay she's only my wondrous dream that is hard for me to reach. OA ko masyado.

Change topic na nga napaka emotional ko na.

(Author: Hoy topE, DOMINICK parehas lang tayo noh. Isa lang din ang tinitibok nitong aking puso pero wala ring patutunguhan yun hanggang paghanga lang ako, pero I think love ko na siya, e kasi since grade 7 crush ko siya and then till now. Pero sige lang Dominick susuportahan kita sisiguraduhin kong magkakatuluyan kayo.)

(Dominick: Salamat author da Best la talaga!)

(Author:WC^_^)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FORBIDDEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon