Kblwn 1

5 1 0
                                    

Unang beses palang kitang masilayan
Alam ko na agad na ikaw ang 'da wan'
Pang aalaska ng aking mga kaibigan
Akin namang ginagatungan

Ako'y kinikilig kapag ika'y naalala
Kaya't ang madalasan kong pagngiti ay ibang- iba
Madalas na rin mapagkamalang tanga
Pero hayaan nalang natin dahil mahal kita

Bago matulog at pagkagising
Hindi ko maiwasan na humiling
Maging maayos pagsasamahan natin
'Yon ay kung ikaw ay magiging akin

Marami ang nagtatanong, at nagtataka
Kung anong nagustuhan ko sa iyong kagaya
Sabi nila ikaw ay parang paminta,
Kaya hindi ko maiwasang minsan din ay magtaka

Totoo nga ba na ikaw ay may pagkadalaga?
Sungit mong taglay di maikakaila
Lalo na kapag ako'y iyong nakikita
Alam kong di mo maiwasan ang pagkairita

Kanina nakita ko ang iyong pagbaling
Sa ginagawa kong pagmamagaling
Sa pagsayaw ng paggiling giling
Nakita pa nga kita na napailing

Naghahanap ako ng mga oppa
Nang mahuli ko ang iyong mga mata
Kunyaring pasulyap sulyap sa kanan at kaliwa
Pero ang totoo ako ang inaasam na makita

MarCkyWhere stories live. Discover now