kblwn2

3 1 0
                                    

Uwian ng mapadaan ako sa inyong silid
At hindi ko inaasahan ang iyong binabatid
Isinesenyas mo lang gamit iyong bibig
Katagang ako'y iyong matagal ng iniibig

Hindi mo alam kung gaano ako kasaya
Sa mga oras na ang 'yong bibig ay bumubuka
Siguro mas masarap kung maririnig ng aking tenga
Ang sinasabi mong mainit sa kaluluwa

Siguro nga ang pagmamahal ko saiyo ay walang hanggan
Dahil noong ako'y iyong noloko, ikaw ay aking pinakinggan
Mapupungay mong mata na lubha kong kinagigiliwan
Ay may iba na plaang kinababaliwan

Tanggap ko ang mga pananakit na dulot mo
Pero bakit ako ay kinalimutan mo
Kinalimutan na nandito lang ako
Na handang laging maging rebound mo.

MarCkyWhere stories live. Discover now