((Song: I Like You by Ben Rector :D Enjoy!))
It's been days mula nung eksena ni Storm at ayun, balik na balik na talaga ang makulit at mahanging bagyo. Ngayon ay may klase dapat kami pero nagkaroon ng biglaang meeting ang mga prof at pinastay lang kami dito sa room namin. Kasalukuyang nagdadaldalan ang ibang kaklase ko, ito naman kami ng tropa magkakatabi at minsan nag-uusap pero puro nakatutok kami sa cellphone namin. Nagcecellphone din ako pero inaalis ko ang atensyon ko don at tinitignan at inoobserbahan lang ang mga kaklase ko.
Natutok ang paningin ko sa grupo nila Storm at inobserbahan ko lang sila isa isa. Hmmm ngayon ko lang sila isa isa napansin actually. May gwapo sa kanila, meron ding di gaano, at lahat sila sa tingin ko ay maloko rin katulad nung bagyo. Dumapo ang tingin ko kay Storm, kung titignan mo tong isang to parang wala siyang eksenang seryoso nung nakaraaang araw. Inoobserbahan ko siya at ngayon ko lang napansin talaga na may itsura tong lalaking to, naalala ko rin na marami ring babaeng lumalapit at nginingitian siya pag nadaan siya ng corridor. Minsan may maririnig akong nagbubulungan sa nadadaanan namin na nagwagwapuhan sila dito sa bagyong to. Naku, kung alam lang nila kung gano kakulit at kahangin to ewan ko nalang kung magustuhan pa nila si Storm.
"Ay oh tignan niyo ang Samantha." Alexander
"Yiiiee wala daw gustoooo" Jana
Nahinto ang inner monologue ko at napatingin sa biglang nagsalita na si Alexander at Jana. Anak ng tokwa tong dalawang to oh, sila talaga yung may gustong gustong asarin ako kay Storm eh. Support ng support eh wala namang ship ay sows ginigigil ako nitong dalawang to eh.
"Problema niyo?"
"Sows patay malisya ang lola niyo oh" pang-aasar ni Alexander sakin.
"Yung mga tinginan talaga eh" kinikilig naman na sabi ni Ryleigh.
Oh diba nadagdagan na ayan nako! Tumingin na sakin yung ibang tropa namin at nakangisi pa ang mga loko. Kelan ba ko titigilan ng mga to na may gusto ako sa bagyong yun, ang yabang kaya nun tsaka ang hangin!
"Mapangsupport kayo eh wala naman yung sinusuportahan niyo" walang ganang sambit ko sa kanila
"Anong wala? Meron kaya, ayan oh wala pa ba yang lagay na yan? Kung makatingin ay parang matutunaw na si Storm." Tinuro pa ni Alex ang kabuuan ko.
"Tss ikaw ata may gusto parati kang nangaasar eh" nakangisi kong sabi sa kanya.
"Ay no! Mas bagay kayo bes! Support lang ako yiiieee!" Nakataas na kamay na sabi niya na parang umaayaw. Natawa ako bahagya sa kanya.
"Nakatingin lang eh ano bang malisya dun."
"Wala naman pero may something eh, may something pag kayong dalawa" nanliliit na matang sabi sakin ni Jana at tumango tango pa habang nakahawak sa baba niya ng parang nag-iisip.
Ano bang something yan wala naman akong nahahalatang something. Jusko pa something something pa eh wala nga. Magkaibigan lang kami niyan at kilos kaibigan naman ang kinikilos ko sa harap niya. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa cellphone ko, tatahimik naman sila siguro kung magcecellphone nalang ako ano? Okay.
BINABASA MO ANG
Music Of My Heart [ON GOING]
Teen Fiction"Music expresses the feelings that cannot be said and impossible to be silent."