"Maling Pag-ibig"

10 1 0
                                    

Sa una pa lang,
Akala ko ay ikaw na talaga.
Nagkamali lang pala si tadhana,
Sa pagpili ng aking ka-tadhana.

Ito ay panandalian lamang,
At hindi na ito magtatagal pa.
Nagmumukha akong tanga,
Sa pag-aakalang ikaw na.

Mahirap man tanggapin,
Pero ito'y aking pipilitin.
Dahil ikaw ay mahalaga saakin,
Kahit iba ang iyong ibigin.

Kung ako'y tatanungin,
Ay ikaw parin ang aking pipiliin.
Kahit paulit-ulit mo man akong saktan,
Ay wala akong pakealam.

Hindi madali ang magpanggap,
Na ito'y aking tanggap.
Sa dinarami-rami ng iyong magugustuhan,
Ito'y akin pang kaibigan.

Sa pag daan ng mga taon,
Sana dumating na din ang para saakin.
Dahil hindi ko na siya papakawalan,
At para naman may matawag akong akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A poem for youWhere stories live. Discover now