Paalam na

5 0 0
                                    

Salamat sa iyo
Nakalimot na ako
Ng dahil sa iyong pagaasikaso,
Hindi ko namalayan nahulog na pala ako

Sa lalim ng iyong pagmamalasakit
Ang puso ko na'y hindi namalayan'g nadikit
Sa katauhan mong ka'y bait
Ninais kong sayo'y lubusang mapalapit

Sa mga araw na tayo'y magkalapit
Hindi inaasahang,
Mas lalong lumapit
Ang loob ko sayo ng hindi pilit

Ayokong malayo ka sakin
Ng kahit isang saglit
Dahil ang puso ko'y nangungulit
Ng di ayon sa aking iniisip

Pero nangyari na nga
Ang malayo ang loob mo sakin
Dahil sa aking pag-amin
Sobra ang sakit sa aking damdamin

Punong-puno ng laman ang utak ko
Hindi ko alam
Kung saan ako nagkamali sa pag-amin ko
Nagsabi lang naman ako kung anong nilalaman ng puso ko

Marami akong ginawang paraan
Paraang akala ko'y hindi ko mapapagdaanan
Paraang ako lang naman ang nasaktan
Hindi ko alam na sobra pala akong natamaan

Sinabi mo saking ayaw mo kong masaktan
Pero bakit ako'y iyong iniiwasan?
Wala man akong karapatan
Pero nais kong malaman?

Ganoon ba ako ka walang halaga
Para iwan mo ko ng ganon-ganon lang
Nais ko man balikan
Hindi ko alam ang paraan

Nais kong iyong malaman
Nasa puso kita kailanman
Tawagin mo ang aking pangalan
Pag ako man ay iyong kailangan

Kung ikaw man ay pinagdadaanan
Handa kitang pakinggan
Kahit anong bagay man yan
Mapa-pag ibig o pamilya man yan

Nandito lang ako bilang iyong kaibigan
Hindi ko man mapangakong ikaw ay laging madamayan
Maipapangako ko naman na ako'y lagi lamang nariyan
Hindi man bilang iyong naging kaibigan

Pero bilang isang taong
Ikaw ay nagustuhan
Nakakalungkot mang isipin na hindi mo ako nagustuhan
Masaya naman akong naging parte ka ng aking nakaraan

Kala ko man na ikaw ay gusto ko lang
Mali ako,dahil
Ako'y sayo na'y napamahal
Sana'y ika'y naging masaya sa iyong kasalukuyang minamahal at

Paalam na dahil masakit na mahal

A/N: I wrote this after a heartbreak. Yung feeling na isusulat mo nalang at hindi mo na ipapaalam. This was during my first heartbreak ever and sad to say ang sakit sakit lang

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoetryWhere stories live. Discover now