Maaga pa lamang ay bumangon na ako.
Ipinlantsa na ang mga damit pamasok, inihanda ang tubig pampaligo at nagluto ng dalawang itlog para sa almusal.Iniayos ko na din ang bag na pinaglalagyan ng mga gamit.
Pati na din ang baunan na lalagyan ng pagkain.Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay para bumili ng sampung pisong pandesal.
Pagkabalik sa bahay ay inilagay ko ang pandesal sa baunan katabi ng keso.
At umakyat na ako sa kwarto.
"Anak, gising na. Papasok ka na. Baka mahuli ka sa klase mo."
Gising ko sa aking anak.