PRSO

202 3 2
                                    


Ang maaliwalas na kalangitan ang bumungad sa pagmulat ko ng aking mga mata. Mga huni ng ibon na nagsisilbing musika sa aking tenga. Ang haplos ng hangin na dumadampi sa aking balat at ang sayaw ng mga dahon na ang hangin ang sumasalat.

Agad kong pinagmasdan ang paligid ko. Luntiang kapaligiran at mga hindi kataasang damo. Mga paru-paro na lumilipad sa paligid ko, Kay gandang pagmasdan ng lugar na ito.

Kasabay ng aking paghakbang ay ang paghalik ng mga damo sa aking binti. Na tila ba ako'y isang mamahaling binhi. Walang maiitutumbas sa kagandahan ng lugar na ito. Kahit saan pang bansa ay walang hihigit dito.

Sa aking kalalakad ay dinala ako ng paa ko sa isang sapa. Na kasing linis ng tubig na paulit-ulit isinala. Maraming isda ang aking nakikita na kasing linaw ng mga tala.

Itinapat ko ang akong mukha upang makita ang sariling repleksyon. Pero bakit ganon? Imbis na nakatayo ay nakita ko ang aking sarili na nakahiga. Bakit andaming nakasaksak sa akin para makahinga? Bakit nasa loob ako ng isang maputing silid?

"ANAAAAAK! WAG MONG IWAN SI MAMA!"

Ang tinig na dumagungdong sa buong lugar na ito. Kilala ko ang tinig na iyon. Ang Ina ko iyon!

At kasabay ng pagtunog ng isang makina.... Ay ang paglamon sa'kin ng liwanag na bumulag sa aking mga mata.

*Tuuuuuuuut-tuuuuuuuuuuuutt*

"Time of death, 3:35 pm."

"Paalam!Hanggang sa muli nating pagkikita... Mama."

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon