Get to know each other

8 1 0
                                    

Nasa harap ako ngayon ng mansion ni Mr Alejandro. Napag-isipan ko kasi ng mabuti ang offer niya and I ended up accepting it. Actually di ko pa siya na inform na payag na ako maging spy niya, ngayon palang actually kaya nga nasa harap ako ng bahay niya ngayon.

Di ko na din sinabi sa family ko about this psy thingy kasi alam ko naman na di sila papayag kahit mag tumbling o split pa ako sa harap nila. Kaya ang sinabi ko nalang ay magkakaroon ako ng trabaho sa Grenliners pero kailangan kong tumira sa apartment at once or twice a week lang ako makakauwi sa bahay. Of course they were happy that I have a job and sa grenliners pa, but sad at the same time dahil ma mi-miss daw nila ako. So pumayag naman sila kaya wala na akong problema.

How can I even resist to Mr Alejandro's offer ? Ghad, that was heaven men.

Pinindot ko na ang door bell for about 3 times pero wala parin may bumubukas. Anaka ng ! Ang init pa naman dito, ilang minuto nalang talaga ma le-lechon na ako.

Dahil sa inis ay naisipan ko nalang na umalis, babalik nalang ako dito bukas. Di kaya tatawagan--- what the ef ?! Bakit hindi ko naisip kanina na tawagan nalang si Mr Alejandro ? Tanga mo talaga avria ! Ay teka-- wala nga pala akong load.

Tumalikod na ako at hahakbang na sana ngunit natigilan ako ng may biglang nagsalita sa transmitter.

"Babe, be patient. Haha please wait a few seconds our maid is on the way."

Kumulo ang dugo ko at nararamdaman ko ang panggigigil ng mga lamang loob ko. Hay*p na zaic pinagtitripan pala ako ! Is he waiting kung kelan ako masusunog sa sikat ng araw ?! Kung siya kaya sunugin ko ngayon mismo ?!

And did he just call me babe ? Ghad, disgusting !

Inis akong lumingon at tumingin sa CCTV sa taas na ngayo'y nakatutok sakin. I let out a force smile at tinaas ang kamay ko papalapit sa CCTV and formed a f*ck you sign.

Paniguradong nakakunot nanaman ang noo ng weirdong yun, haha.

Maya-maya'y bumukas ang napaka laki at napakataas na gate ng mansion. Bumungad sakin ang isang babaeng naka fitted dress at naka 3 inches heels, she have a long straight black hair that suited her beauty. She's a foreigner, I think a Mexican ?

Ito ba ang tinutukoy ni Zaic na maid ? Ang ganda namang maid neto, at ang taray pa ng outfit huh.

She smiled genuinely to me before nagsalita,"Hi I'm Jackie" pagpapakilala niya sabay abot ng kamay niya sakin.

I accepted it as a sign of respect. Alangan naman e ignore ko, di naman ako katulad ni Zaic na impudent.

She escorted me to the 'office' kuno kung saan everyone's waiting for me daw. Kinabahan tuloy ako, the way kasi na sinabi ni Jackie yung 'everyone' feeling ko sobrang dami ng naghihintay sakin. Am I that special ?

Patuloy lang sa paglalakad si Jackie at patuloy lang din ako sa pagsunod sakanya. Napansin ko ang mga mamahaling vase at paintings na naka design sa bawat sulok ng mansion. Magkano kaya lahat ng mga to ? Kumuha kaya ako ng isa thus e hahampas ko kay zaic mamaya. Hindi pa ako naka move on sa pang ti-trip niya kanina huh, nangitim tuloy ako letsing weirdo na yun.

Napansin ko ang mga CCTV sa bawat gilid ng hallway, halos lahat ng dinaanan namin may CCTV. Bongga ng security sa mansion ni Mr Alejandro, kahit siguro pusa di makakaligtas dito. I wonder kung may mga laser din na naka attach sa bawat gilid or mga automatic guns na kapag hinawakan mo yung mga vase o painting bigla nalang may lalabas na bala sa wall.

"We're here." Nakangiting inform ni Jackie sakin.

Ngumiti na lamang ako as a reply.

May kinuha siyang parang card sa may boobs niya--- what the ?! Bagong style ba yan nasa boobs na ang pocket ? She slid the card on the right side of the door, then suddenly the door opened. Waw, magic ! Haha

MY UNDERCOVER FEELINGSWhere stories live. Discover now