26. Ms. Beautiful

1.4K 38 29
                                    

Kailan ko uli makikitang nakangiti,
Ang mga mata mong ngayo'y puno ng pighati?.

______________________________

Ashley's POV

".... Macey's pregnant with our second child"
yan nalang ang narinig ko sa mga sinabi ni Carlos.

Everything went black and dull.

Parang mga aninong gumagalaw nalang ang mga tao sa paligid ko.

Hindi ko na namalayan na naglalakad na pala ako palayo sa mga tao.

Naglalakad na pala ako palabas sa gate nila.
Narinig kong tinatawag ako ni Marice pero 'di ko na inintindi ang tawag niya.
Hindi na rin niya ako sinundan dahil may tumawag sa kaniyang isang matandang lalaki.

Gusto kong lumayo.

Gusto ko nalang maglaho na parang bula.

Akala ko okay na kami.
Akala ko makikipaghiwalay na siya kay Carlos.

Kaya pala bigla nalang siyang 'di nagparamdam sakin. Sobrang sakit.

Nagbook ako ng uber para makauwi
coz I realized na wala nga pala akong dalang sasakyan.

"Why are you crying?"
nagulat nalang ako sa nagsalita sa tabi ko.

Nakaupo ako sa gutter.

Pag-angat ko ng mukha ko,
isang familiar na mukha ang nakita ko.

"Ms. Beautiful ikaw pala yan. Why are you crying?" sabi niya

It's the cute young man na nakita ko sa comic alley dati.

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.

"I kept the keychain that you gave me"
sabi niya while grinning

"Talaga? I'm happy that you liked it"
sabi ko habang pasimple ko nang pinunasan ang luha ko.

"Why are you sad Ms. Beautiful? Did someone hurt you?"
tanong niya with his puffy almond eyes

"Nope just headache, pero okay na ako coz nameet kita uli little guy"
sabi ko, pilit kong pinapakita sa kanya that I'm okay. I patted his head

"Are you here for the party? Bakit nandito ka sa labas? What's your name pala Ms. Beautiful?"
magkasunod niyang tanong

"Yes, a friend asked me to escort her. Kaso sumama pakiramdam ko so I'm waiting for the service to pick me up"
sabi ko while trying to smile

"Wag ka muna alis. My mom wants to meet you. Lalabas na rin yun if she noticed na wala ako sa loob."

Bakit naman ako gusto makilala ng mommy niya,

"Malapit na yung service ko eh. Maybe next time little guy"

"geez mmkay"
Sagot niya while pouting

"Makie....why are you here?"
It's a familiar voice na narinig kong papalapit sa pwesto namin ni Marcus

"Mommy..."
Sabi ni young man

Hindi ko napigilang lumingon kung saan nanggaling ang boses na yun,

na sana hindi na ko lumingon...

Papalapit siya sa pwesto namin nang bigla siyang natigilan,

Nagulat din siguro siya nang makita niya ako.

"Ash..."
Pabulong niyang sabi

Biglang huminto sa harap ko ang isang itim na mitsubishi mirage, ito yung sasakyan na nabook ko.

Dali-dali akong sumakay at hindi ko na inantay ang susunod niyang sasabihin.

Bigla nalang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"Ma'am Ashley?"

"Yes kuya"
Sagot ko kay kuya driver,
I'm trying to calm myself.

Papalayo na ang sinakyan ko mula sa kinatatayuan ng babaeng isang buwan kong hinanap hanap.

Ang babaeng dahilan ng mga luhang pumapatak ngayon mula sa mga mata ko...


"Hanggang dito nalang ba talaga tayo?
Parang di naman matanggap ng puso ko"

Ain't Perfect but my Ms. Perfect (GXG ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon