9. Why You?

1.6K 24 0
                                    

Sa tuwing kasama kita,
puso ko'y punung-puno ng saya.

______________________________

Ashley's POV

Patapos na ang first semester,
final exam na namin kahapon at ngayon.

Masaya ako na malungkot.

Ang weird no, haha mixed emotion.

Masaya ako kasi parang may ibang nagbago sa buhay ko. Sabihin na nating dahil kay Macey, naging masaya ako.

Masayahin naman akong tao, pero dahil sa kaniya, mas naging kumpleto ako.

Naging close kami lalo na nung naging kapartner ko siya sa isang report.

Well walang special attachment pero sabay na din kaming nagko-coffee during break time.

Hindi pa rin niya alam na gusto ko siya.

Lagi siyang masaya pag kasama ko siya, pero hindi pa rin siya nagku-kwento ng buhay niya.

Hindi ko pa alam kung anong koneksyon niya kay Carlos.

Kaya siguro nalulungkot ako ngayong malapit na ang semestral break. Mami-miss ko si Macey.

Bukas na ang schedule ng pagpunta ko sa Quezon. Sabi ni dad I need to stay there for 2 weeks to study the area and negotiate with the people.

Island without phone signal..
without love life...
purely work...

OMG

Kawawang Ashley...

pero papatunayan ko kay Tilapia at sa buong GGC that I deserve the trust of my dad. Watch out for Ashley Yesha Gomez.

"Ashley, ano plano mo sa sem break?"
tanong ni Antonina

Napansin yata niya that I'm spacing out
dami kasing gumugulo isip ko..

Nag aantay na kami sa room para sa exam..

"May project na pinapahawakan sa akin si dad, so I'll be out of town"
sabi ko

"Naku sayang naman. May class trip sana kaming plan nila ate Lala"
sabi niya

"Ah sorry next time nalang....
ahmm class trip? si Celina sasama?"

In-love ka na nga talaga sa kanya Ashley

Mas kilala siyang Celina sa class,
so yun ang tawag ko sa kanya kapag di siya ang kausap ko

"Ay naku, hindi nga din eh. May ibang schedule na raw family nila bago ako nagsabi"
sagot ni Antonina

"I see.."
sabi ko

"So kung sasama si Celina...."

naputol yung sinasabi ni Antonina kasi
dumating na yung professor namin.

Oo nga, kung andun ba si Macey
mas pipiliin mo yung class trip kahit magalit sayo ang daddy at mommy mo?

geez brain...
dami mong tanong..

#Usisera

Ain't Perfect but my Ms. Perfect (GXG ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon