13 minutes

146 4 2
                                    

1 minute, first day of school, una kitang nasilayan sa classroom , inakala ko'y bakla ka, lumagpas ang tingin.

2 minutes,pangalawang araw ng school ay Sadya tayong pinagtabi ni mam dahil Sa aking pagkatahimik .

3 minutes,ika'y nakipag-kaibigan Sakin at ako'y natuwa sa nakakaaliw mong ugali at maaliwalas mong Mukha.

4 minutes,bali-balitang may crush ka Sakin, at ako'y nagulat Sa panandaliang kilig na aking naramdaman.

5 minutes,ako'y nabigla Nung umamin ka na may gusto ka Sakin at ako'y nagtaka kung bakit ang Sarap Sa pakiramdam Nung pagkasabi mo ng mga katagang iyon.

6 minutes,napagtanto ko na nahuhulog na Pala ako sa mga salita mong sing-tamis ng hinog na mangga.

7 minutes, ako'y umasa Sa Mga sweet mong litanya at kilos na nakapagpapakilig Sakin.

8 minutes, ako'y nalungkot Sa bigla-bigla mong pagbabago at nalaman ko ang tunay mong pagkatao na hindi ko na makilala.

9 minutes,ang bilis mong sumuko sa ating love story na akala ko'y consistent na (akala ko lang pala).

10 minutes, nalaman ko ang tunay na dahilan Sa pagsuko mo, at yun ay may Iba ka na Pala.

11 minutes, kumalat sa buong school na ipinagpalit mo na ako Sa babaeng ,tingin mo Mas higit pa Sakin.

12 minutes, Ako'y tuluyan nang nasaktan at nabigo sa mga kagagawan mong hindi kapanipaniwala.

13 minutes, Sa loob ng 13 minutes ay natutunan kong wag magpakatanga Sa Mga taong Walang ginawa kundi ang manakit at manloko ng Iba!

Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon