CHAPTER 7"YOU can always visit our warehouses personally, Mr. Montreal."
Matamang nakikinig si Liberty sa pinag-uusapan ng ka-meeting ng boss niya. It's Monday, at mukhang natambak ngayong araw ang scheduled meetings nito. Ito na ang pangatlong meeting na pinuntahan nila ngayong araw. At hindi rin biro ang pinagdaanan niya mula pa kanina. She has been memorizing the faces of Theo's business partners. She wasn't given a chance to take even a single photo. Mahahalata siya masyado dahil katabi niya ang kanyang boss.
"No. I'll just send our head engineer for possible visits, Mr. Chua."
Kung gaano kaseryoso si Theo sa loob ng opisina nito, mas seryoso itong kausap pagdating sa negosyo. Kanina pa niya napapansin na hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. Ni hindi nga siya nito ipinakilala sa ka-meeting nila na sekretarya siya. Nagmumukha tuloy siyang katulong na naghihintay kung kailan utusan. mabuti pa iyong sekretarya ng ka-meeting nila nakakausap nila. Nginitian niya ang babaeng medyo may edad na.
"I guess, that would be more convenient to you. Thank you, Mr. Montreal."
Sabay silang tumayo at nagkamayan. They already signed the contract earlier while talking about the partnership. Ang kompanya kasi ni Mr. Chua ang magiging main supplier sa ipapatayong condominiums ng Montreal Estates.
"It's nice doing business with you, Mr. Chua."
Tumayo na rin siya. Kinamayan din ni Theo ang sekretarya ni Mr. Chua pagkatapos niyang makipagkamay sa huli. Gagayahin na rin sana iyon ni Liberty kaya lang hinuli ni Theo ang palapulsihan niya at hinila paalis ng restaurant.
Nagtaka siya at wala sa sariling nilingon ang dalawang naiwan. Nakakunot na ang noo ni Mr. Chua.
"Sir?"
"Faster, Miss Parreño." Seryoso ang boses nito.
"Nagmamadali ba tayo, Sir?" Nasa parking lot na sila. Pinagbuksan siya ni Theo ng pinto. Agad naman siyang pumasok sa passenger seat.
"I'm starving, Miss Parreño," anito bago isinara ang pinto at umikot sa kabila.
Nagtaka naman siya. Pero nang maalalang wala nga itong matinong kain mula kanina ay naalala na niya. Hindi naman kasi nito kinakain ang mga pagkain sa restaurants. Nasa kausap kasi ang atensyon nito. Hindi tulad niya na puro kain lang nagawa niya at pag-take down ng napag-usapan. She was expecting something suspicious pero mukhang wala pa naman. Imposible naman kasing pag-usapan sa gano'ng lugar ang mga underground business. She found it boring though. Kailan pa kaya siya isasama ni Theo sa mga ibang meetings nito?
"Bakit kasi hindi kayo kumain, Sir? Sayang naman 'yong bayad," komento niya nang magsimulang nang maniubrahin ni Theo ang manibela.
"I wasn't there to eat."
Lumaki ang butas ng ilong niya sa isinagot nito. Normal na sa kanya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya. Kahit ilang araw pa lang silang nagkakasama ng boss niya ay parang kilala na niya ang ugali nito. Still, she's feeling something she can't fathom. May itinatago ito katulad ng sinabi ni Captain Red. And she will find it out herself.
Posible rin kayang inosente itong si Theo? Part of her doesn't want to believe the suspicions. Naramdaman niya nang gabing iyon na mabuti siyang tao. The way he sung the song, he was vulnerable. There were visible emotions from his eyes. Na parang may pinagdadaanan siya. Her heart was a little bit disturbed then. Pero hindi naman niya puwedeng bigyan ng kahulugan ang nararamdaman niya. Tama lang sigurong sabihing humanga siya sa boses nito. Wala nang iba.
Bumuntong hininga siya. There's three weeks left para mailabas ang baho ni Theo Montreal, at mukhang mabagal ang development ng mission niya. Kahapon ay naibigay na niya kay Captain Red ang mga pangalan ng ka-banda nito. Well, unfortunately, tanging mga first names lang ang naibigay nito. She failed 'to gather more information dahil tulad ni Theo ay may pagka-misteryoso rin ang tatlong mga lalaking iyon. Hindi kaya iyon ang totoong business partners niya at cover up lang ang Montreal Estates?
BINABASA MO ANG
Wild Deception
RomanceZERO DEGREE SERIES 1: THEO MONTREAL Liberty Parreño has proven that women really could do more than dancing in a 10-inch high heels. She can run down perps without breaking a heel. She can outwit any type of bad guys at perilous situations. She will...