Chapter 8

105K 3.8K 227
                                    

CHAPTER 8

IT WAS a glassroom. Liberty almost flinched in surprise. Muntik na siyang mapasigaw nang makita ang sariling repleksyon sa apat na sulok ng kuwarto. Kahit saan siya lumingon ay nakikita niya ang sarili. But what made her more surprised was seeing several computers inside. She wasn't sure if Theo did this in purpose or this is really his computer room. 

Nang tumingala siya'y sumalubong sa kanya ang mga nagmumurang mga closed-circuit television camera. It was cold inside..really cold that she had to hug herself. Ayaw tanggapin ng sistema niya pero binalot na ng kaba ang kanyang dibdib.

What's this room for? Bakit may ganito sa bahay ng isang Theo Montreal? What was he?

Kahit nanginginig ay nagawa pa rin niyang ihakbang ang kanyang mga paa. She walked towards the center of the room. She saw not just one but two holographic computers. She bit her lower lip while watching herself in the hologram. Her every move inside the Montreal building was recorded for Pete's sake!

Kinalma niya ang sarili at sinulyapan ulit ang mga kamera. This is the best place to search for evidence but she wouldn't. She has to make a plan. She needed to be more careful this time. Pinigil niya ang sariling buksan ang isa sa mga computer. Naglakad na lamang siya papunta sa pintong pinasukan niya kanina.

Muli siyang lumingon bago tuluyang tumalikod. Pero nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakasara na ang pinto. She tried to press to button beside it but it didn't open. It's a biometric door lock and needed a registered fingerprint to open.

"Shit!" she cursed.

Namumula na ang kanyang ibabang labi sa kakagat niya. She's doomed. Mahuhuli siya ni Theo panigurado.

Was this a trap? Paanong bumukas ang pader kanina gayong may fingerprint sensor pala ito?

She can feel a pair of eyes watching over her. Hindi niya alam kung napapraning lang siya o totoo nga ang instinct niya. Ang alam lang niya ay mahimbing na natutulog sa kanyang kama si Theo kanina.

She sat on the crystallized marble floor. Kahit yata ang sahig ay parang nanonood din sa bawat galaw niya. She programmed herself to look naive. Kahit sulyap man lang muli sa mga computers ay hindi niya na rin ginawa.

She waited.

Mga tatlumpong minuto bago tuluyang bumukas ang lagusang pinasukan niya kanina. Agad siyang napatayo.

"Sir!"

Mabilis niyang dinamba ng yakap si Theo na siyang ikinagulat ng huli. She deliberately closed her eyes and savored the moment. Ramdam niya ang init ng katawan nito nang dahil sa lagnat. But his warmth is way different. Parang may kuryenteng dumadaan sa kanyang mga kalamnan.

It took few seconds for Theo to respond to her embrace. Noon lang din siya natauhan. Her heart beat fast when she felt him gently stroking her back. Para siyang ibon na biglang hinawakan sa balahibo.

She pressed her body hard against him before letting him go. Napayuko siya.

"S...sorry. Sorry, Sir." Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay.

She heard him grunt.

"What are you doing here?" Ramdam niya ang pagod sa boses  nito. But it was more like a bedroom voice.

"H..hindi ko po alam kung paano ako napunta rito. Nasa banyo lang naman ako kanina at nagbabanlaw ng bimpo. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumukas iyong pader. I... I'm scared." Noon niya tinapunan ng tingin ang buong silid. She swore she didn't blink her eyes, but the hologram just disappeared all of the sudden. Pati ang isang holographic computer ay namatay na rin.

Suminghap siya at ibinalik ang tingin kay Theo.

"Paanong--"

"Let's go," malamig nitong sabi sa kanya at marahan siyang hinila  palabas.

Wala sa sariling humakbang din siya kasunod nito. Pigil niya ang hininga hanggang sa makalabas na sila nang tuluyan. Umupo si Theo sa paanan ng kama habang hawak pa rin ang kamay niya. Nag-atubili siya noong una kaya lang biglang pinagpag ni Theo ang tabi nito. As if motioning her to sit.

Dumaan ang ilang segundo na tanging mga hininga lang nila ang nag-uusap. Gustong magtanong ni Liberty. Gusto niyang malaman kung tama ang iniisip niya pero mas pinili niyang manahimik . Sigurado siyang marami pa siyang makikita sa pamamahay na ito. Marami pa siyang mahahanap na ebidensya.

"You weren't supposed to be in that room, Miss Parreño."

"Hindi ko po sinasadya.. Bigla na lang kasing bumukas 'yong--" she trailed off.

Bumuntong hininga ang boss niya. Napahilamos pa ito ng mukha. Tiningnan niya ito nang mariin.

"Hindi ibig sabihin na bumukas ay papasok ka. Maghintay ka munang imbitahan," aniya. Natulala siya saglit sa tinuran nito. Una, ang sexy pala niyang mag-Tagalog. Pangalawa, hindi niya ma-gets kung humuhugot lang ang boss niya o sinisermonan talaga siya.

"I just got curious."

"They're, you said it." Theo stared at her firmly. Kahit na seryoso ang expression ng mukha nito ay hindi pa rin nawawala ang namumungay niyang mga mata. Na para bang nagpapayakap sa kanya. That he needs her comfort hug.

"You wanted to feed your curiosity that's why you entered a private property. Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?" He smirked at her. Pero bigla rin ulit sumeryoso.

"Hindi naman ako magnanakaw, Sir. Huwag kayong mag-alala, wala naman akong kinuhang gamit mula roon. Kahit ipabaril mo pa ako ngayon, wala talaga akong kinuha. Promise!" She raised her right hand. Theo just pinched his nose as a response. Parang nagtitimpi ito sa kanya.

"Believe me, you did. You stole my privacy, Miss Parrreño." There goes his cold voice again. She hates it when he uses that voice on her. Parang madali siyang mapikon. Hindi niya alam kung bakit isyu iyon sa kanya. Boss lang naman niya ito. Dapat nga ay sanayin niya na ang sarili niya sa ugali nitong hindi masisid sa sobrang lalim.

"Hindi ko naman ipagsasabi na may ganoon dito sa bahay mo, Sir. Huwag kang mag-alala, wlaa naman akong puwedeng makuwentuhan na stalker pala kita. Bakit may video ako ro'n?" she asked suddenly.

Nanahimik si Theo.  She grinned playfully inside her head. Oh, she just hit a the red button. Ang kaninang namumulang leeg ng lalaki ay lalong namula. Pati ang tainga nito ay parang kahel na.

"Umuwi ka na." Tinalikuran siya nito. Bumulusok paibaba ang self-esteem niya.

Pagkatapos niya itong bigyan ng precious  time niya at alagaan, gano'n lang ang sasabihin? Hindi man lang nag-thank you sa effort niya?

"Saan ka pupunta, Sir? Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko? Tama ako, hindi ba? You wanted to stalk me. You wanted to see me all the time kaya mino-monitor mo ang bawat galaw ko. Kaya rin siguro pinapunta mo ako rito kasi gusto mo akong makita." She was the one who smirked this time.

The best way to catch a guy is to hit his ego. Any minute from now, his aggressive bones will show him off.

Natigilan naman si Theo. He turned to her.

"You talk too much, Miss Parreño."

"And you stalked too much,  Sir..." she answered back.

"Tapatin mo nga ako, Sir...may gusto ka ba sa'kin? Na-love at first sight ka ba sa'kin?" She then bit her lower lip while looking at him seductively.

She saw how his jaw clenched.  Dumilim din ang mukha nito. But she finds him a lot sexier with serious looks and on his PJ's. Inilang hakbang siya nito pagkatapos.

"Sir..." Napatingkayad siyang nakaupo nang hinawakan nito ang kanyang baba.

But what he said next dragged her well-poised confidence down.

"Yes, Miss Parreño. Gusto kita..." he said. Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya.

"Gusto kitang halikan."

The next thing she knew, their lips met.

©GREATFAIRY

Wild DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon