Chapter 1

424 16 0
                                    

SOPHIE*

"Tulong!Tulong!"namamaos na lang ako kasisigaw dito sa kalsada ngunit wala talagang naglakas loob na tulungan ako.

Nahimatay ang mama ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Naiinis ako sa sarili ko dahil imbis na humanap ng tulong ay wala akong ginawa kundi umiyak lang dito.Naninikip ang dibdib ko.Napakasama ng mga tao, mga wala silang puso.

Beep!Beep!Beep!

Nag-angat ako ng tingin sa bumubusinang sasakyan sa harapan ko. Mayamaya pa ay may bumabang isang lalaki. "Hey, you need help?"hindi agad ako nakapagsalita.Masyado akong natulala."Ah o-o-oo, pa-parang awa niyo na tu-tulungan niyo po ang mama koh"umiiyak na pakiusap ko parang bata nagkanda utal utal pa ako dahil sa sobrang pag-iyak.

Wala na akong pakealam kung sabihin man nitong makapal ang mukha ko dahil kailangan ko na talagang dalhin sa hospital ang mama ko.

Binuhat niya ang mama ko at isinakay sa sasakyan niya at saka ako pinagbuksan ng pinto."Get in"mahinahong aniya. Dali-dali akong sumakay sa kotse niya at mabilis niya itong pinatakbo.

"Anong nangyari sa nanay mo? "Mayamaya'y tanong niya. "H-hindi ko alam,bigla na lang siyang hinimatay habang naglalakad kami kanina"utal na sagot ko sa kanya.

Hindi na kami muling nag-usap pa.Maya maya pa ay narating na namin ang hospital. Bumaba siya tapos may iniutos siya doon sa mga nurse na hindi ko narinig dahil nasa loob ako ng kotse.

Patakbo siyang bumalik sa kotse at kasunod na niya ang mga nurse na may dalang stretcher. Bumaba na rin ako ng sasakyan.

"Bring her to the E.R!faster!" Agad na tumalima ang mga nurse at dinala nga nila sa E.R. si mama.Abot-abot ang kaba ko't pag-aalala.

Hindi ako matigil sa pag-iyak dito. Hindi ako mapakali, hindi talaga.Walang akong ideya kung ano nang nangyayari kay mama.Mamamatay na ako nito sa pag-aalala.

Sana walang nangyaring masama sa kanya. Sana maging okay ka lang ,mama.

Nakakapanlumo ang sobra kong pag-aalala kaya naisipan kong maupo na muna.Hindi ko talaga magawang tumigil sa pag -iyak. Andami-daming masasamang bagay na pumapasok sa isip ko at sana wala kahit ni isa mn dito ang magkatotoo.

Anggulo!nakakaloko!pakiramdam ko mababaliw ako.

"Here! "nagulat na lang ako nung biglang may nag-abot ng panyo sa akin.Nag-alinlangan pa akong tanggapin yun ngunit tinanggap ko na rin."Are you alright?Have some coffee first"biglang tanong niya.Hindi ko inaasahan.

"Oo ayos lang ako.Salamat"pagsisinungaling ko.Pero deep inside ang bigat bigat na ng kalooban ko.

"Come on,I know you're lying.Tell me,I'll listen."Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay komportable ako sa kanya. Parang biglang lumabas ang tunay kong nararamdaman at bigla kong naisipang ibahagi yun sa kanya.

Sobrang sakit na ng lalamunan ko dahil sa sobrang pagpipigil ng paghikbi.

Habang nagsasalita ako ay siya ring pagpatak ng mga luha ko."Wait! wait!Please don't cry."nabasa ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit at wala na akong balak na alamin pa.

"Pasensya na,Hindi ko na talaga kaya eh.Nag-aalala lang ako ng sobra sa mama ko.Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."tumutulo ang luhang sagot ko.

"Shhh,please stop crying. Everything will be alright okay?"nangcocomfort na sabi niya. "I know I'm not good at comforting but I wish it could help."niyakap niya ako.

Nagulat ako sa ginawa niya pero nakatulong talaga.Gumaan bigla ang kalooban ko. Sa loob loob ko ay may nagsasabing may karamay na ako.

Ngunit,alam kong nagpapantasya lang ako dahil alam kong panandalian lang ito.

Makalipas ang mahabang oras na paghihintay ay lumabas na ang doctor. Sana ayos na si mama.

"Doc,kumusta na po ang lagay ng mama ko?"natataranta Kong tanong.Pero,hindi nagsalita ang doktor. "Ba't hindi po kayo makapagsalita?ano ba talaga ang nangyari? "tanong kong may kasamang hikbi.

"I'm sorry miss but we did everything we can "hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

"Doc,ano pong ibig niyong sabihin?"hindi ko na talaga mapigil ang hikbi ko. "Doc,ano ba!wag niyo naman po akong pinapakaba ng ganito"maangmaangang sabi ko

"Miss,wala na ang nanay mo"

"Miss,wala na ang nanay mo"

"Miss,wala na ang nanay mo"

Itutuloy.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When You're GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon