Chapter 5

1.2K 30 4
                                    

 "Mmmmm" Ang bango naman tong yinayakap kong unan at tsaka bakit parang iba yung amoy? Hindi ganito yung amoy na unan ko ahh .

Biglang nag sink-in  yung nangyari sa akin kagabi.

Pagmulat ko ng mata ko napabangon agad ako.

Ibang kwarto.

Nasaan ako?

"AAAAHHHHHH"sigaw ko habang tinatakpan ko ang  katawan ko.

Bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto.

"Why are you  shouting?"tanong sa akin ni Allysa na parang kagigising lang kasi ang gulo ng buhok nya.

"Allysa,what happened? At tsaka bat nandito ako sa inyo?May nangyari ba sa akin? "Sunod Sunod kong tanong

Kinakabahan ako.Ano ba kasing nangyari kagabi?

"Girl nagka amnesia kaba ng isang araw at nakalimutan mo yung nangyari kagabi"sabi nya habang nakapamewang sa akin.

Inalala ko yung nangyari kagabi.Ang naalala ko lang ay pumunta ako sa bar,merong nangbabastos sa akin at merong tumulong sa akin na lalaki . Ayun  lang ang naalala ko.

Wait ,Who's  that guy? Tanong ko sa sarili.

"Oh girl naalala mo na? "tanong sa akin ni Allysa

"Yeah,pero di lahat.Uhmm Allysa paano pala ako nakapunta dito sa inyo?"tanong ko

Pano ako nakapunta dito?Kilala ba ni Allysa yung lalaki at alam niyang kaibigan ako ni Allysa kaya hinatid niya ako dito?

"Ahmmm "sagot nya na parang nag iisip.

Problema nitong baitang ito?

" Kilala mo ba yung lalaking tumulong sa akin?"tanong ko ulit sa kanya

"Uhmm, girl si Mark yung tumulong sayo at siya rin yung tumawag sa akin kagabi"sabi nya

Huh?Sinong Mark?Boyfriend niya ba to?Pero wala naman akong alam na May boyfriend na si Allysa.

"Allysa pwede bang ilahad mo sa akin lahat ng nangyari kagabi at  gusto ko rin magpasalamat kay Mark"sabi ko sa kanya.

Kaya yun inilahad nya lahat sa akin yung nangyari kagabi.
Yung pagtawag ni Mark kay Allysa at yung pasundo  sa akin ni Allysa.

Nung tapos ng inilahad sa akin ni Allysa yung nangyari sa akin kagabi ay pinag almusal niya na ako.
Buti nga daw wala ang parents nya eh nasa business trip.

Nung tapos na akong kumain nag paalam na ako sa kanya at nagpasalamat narin.

Umuwi na rin agad ako sa bahay buti wala rin sila Mom and Dad pumunta rin nag business trip.Baka kasi magtaka sila dahil di ka umuwi .

MARK POV's

(Eto po yung nangyari nung umiinom  po si Gwen) sabihin ko lang po baka malito kayo.

Nag dradrive ako papunta sa bar kung saan man ang mahanap ko.
Wala lang trip ko lang naboboring rin kasi ako eh.

Gusto ko rin ma-relax kahit kaunti.

Uhmm before I forgot I'm Mark Lozano
22 years old, ang hilig ko ay maglaro ng basketball at mag  gitara.

Pagkatapos ng paghahanap ko sa bar kung saan man ang malapit, pumasok agad ako.

Papunta na sana ako uupo sa table na nahanap ko kaso may bigla akong narinig na sigaw ng babae sa counter.

Bigla naman akong napasulyao doon.

Dont Make Me Fall (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon