"I think its just a dream turns to nightmare"
May narinig akong isang boses ng batang babae na umiiyak.
"Daddy, huhuhu gising na kayo ni mommy huhu"
Dali dali kong hinanap kung saan naroroon ang boses ng batang umiiyak. Habang papaakyat ng hagdan.
"Wag niyo kong iwan daddy mommy."
Lalo kong binilisan ang paglalakad upang makarating sa nag iisang kwarto sa taas ng bahay. Bawat bigat ng paghakbang ko sa hagdan.....bban ay siya ring bigat ng nararamdaman ko.
"Bakit ba ganito ang pakiramdam ko?" Tanong sa sarili ko.
Nang marating ko na ang pintuan ng kwarto ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Dahan dahan ko itong binuksan at papalakas ng papalakas ang boses at pag iyak ng bata.
"Daddddddddyyyyyyyyy"
Hulin narinig ko na sinabi ng bata. At nang mabuksan ko ang pintuan ay napasangga ako saking mga mata dahil sa sobrang liwanag. Naaaninag ko ang isang imahe ng batang babae at lalaking yakap yakap niya. Unti unti akong lumapit sa kinaroroonan ng bata.
"Bata anung nangyari? Anong pangalan mo? Bakit Aq andito?" Mga tanong ko sa bata.
Patuloy parin ang pag iyak ng bata at hindi pinansin ang mga tanong ko na para bang walang narinig. Hahawakan ko na sana siya sa balikat ng biglang tinutukan niya ako ng baril.
Bengggg!!! Bengggggg!! Benggggg!! Bennnnggg!!
"Yana gising, yanaaaaaaaaaaa!!" Boses ni Shine na sumisigaw.
Shine Delos Santos nga pala. Friend ko daw siya, sabi niya. Magkaibang magkaiba kami ng personality. Dahil maingay siya. Madaldal. Simple lang din. Matangkad. Rebounded ang buhok na color blonde.
"Thankyou Shine" Sabi ko kay Shine.
"Kanina pa kita ginigising. ' ka ata." Sabi niyang muli.
"Ah. Muka nga ee. Salamat ulit Shine." Muling pagpapasalamat ko sa kaniya.
"Ano ba kasi ung napaginipan mo? At parang takot na takot ka?" Tanong niya sakin.
"Mayroon daw isang batang babae na umiiyak. Hinanap ko kung nasaan at nung nakita ko siya tinatanong ko siya kung anung nangyari. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sobrang liwanag ng paligid. Nung hinawakan ko siya sa balikat bigla niya ako binaril sa dibdib. Akala ko katapusan ko na talaga. Pilit akong gumagapang pero di ko na daw magawang igalaw ang buong katawan ko dahil ilang ulit niya pa akong pinagbabaril." Kwento ko sa kaniya.
"Magdadasal ka kasi bago matulog." Sabi niya sakin.
"Bumangon kana din diyan, anung oras na din. May pasok pa tayo." Sabi niyang muli.
"Mamaya na. Maaga pa." Sagot ko sa kaniya.
"Lillianah Alpha Martinez, babangon o kukulitin pa kita?" Pangungulit nito sa akin.
Ah oo nga pala. Lillianah Alpha Martinez. Simpleng babae. Nerd sa tingin ng iba pero hindi nila alam madami akong bagay na nagagawa. Laging nakasalamin, nasanay na kasi ako. Sakto lang ang taas at palaging nakapusod ang buhok. Tahimik din akong tao. Mas gusto ang mapag-isa.
"Talagang kinumpleto mo pa ha?" Sabay tawa kong sagot sa kaniya.
"Oo naman, ganiyan kita kamahal no. Dalian mo na. Alam naman nating matagal kang maligo." Sagot niyang muli.
"Oo na eto na." Sagot kong muli sa kaniya.
Bumiling ako sa higaan at kinuha ang tuwalya upang maligo."Shine, bilisan mong kumilos. Malelate na tayo." Asar kong pagtawag kay Shine. Napakabagal kumilos.
"Ayan na teka." Sagot niyang pasigaw.
"Anu ba kasing ginagawa mo? Quarter to 7:00 na. Baka di na naman tayo makapasok." Sagot ko habang papalapit sa pwesto kung nasaan si Shine.
"Hindi ko kasi makita ung kabiyak ng sapatos ko." sagot niya sakin ng may halos pagkainis na din.
"Subukan mo kayang tingnan sa cabinet mo?" Sagot ko sa kaniya. Inis na sabi ko.
"Ay oo nga. Hahaha eto oh hahaha." Pabirong sagot niya.
"Dalian mo na di na ko natutuwa." Inis na sagot ko dahil 10 minutes nalang ay malelate na kami na unang subject namin.