Chapter 4

29 3 0
                                    

Chapter 4

MIKAELLA'S POV

UMAGA na nang magising ako. Sinipat ko ang oras mula sa maliit kong orasan sa tabi ng aking kama at agad na nanlaki ang mata dahil late na ako.

Agad na hinanap ng mata ko ang aking cellphone, wala iyon sa kama ko.

Pinagpag ko ang kumot na ginamit ko, wala doon.

Hinalughog ko ang side table ko dahilan para magkalaglagan ang mga gamit na nakapatong doon pero wala pa rin.

Akma ko nang pupulutin ang mga nalaglag kong gamit ng makita ko ang phone ko sa lapag. Pinulot ko iyon kaagad.

Pagkabukas ko ng telepono, bumungad ang sandamakmak na missed calls ni Xantheena. Crap!

Sabado ngayon ngunit may klase ako. At sa lahat ng araw sa buong linggo, tanging tuwing Sabado lang ako may pasok ng alas-siyete.

Literal na shet, 'di ba?

Late na ako sa major subject ko, GenPsy.

Apat na oras ang klaseng 'yon. Late na ako ng halos isang oras.

Kumaripas na ako ng takbo patungo sa banyo. Bahala na kung mapahiya ako sa klase ni Mr. Fortunato mamaya, mas masakit pa rin naman 'yung pangiiwan ni Dos kaysa sa pagkakapahiyang 'yon kung sakali.

Natapos ako agad sa paliligo. Sa tingin ko ay wala pa yung sampung minuto. Hindi ako komportable. Feeling ko nagbasa lang ako ng katawan.

Nag-ayos ako kaagad. Ni hindi na ako nag-abalang maglagay ng blush on at tanging lip balm at pulbos lang ang nailagay ko.

Hinablot ko ang bag kong nasa lapag at tumakbo palabas ng bahay.

Pakiramdam ko ay nasa isang survival game ako dahil sa bilis ng pagtakbo ko. Wtf.

Mabuti na lang at may napara agad akong taxi, kung hindi, baka masira na ng tuluyan ang kinabukasan ko. Si Mr. Fortunato pa ba?

...

NAKARATING ako sa University nang wala pang dalawampung minuto. Papasok na ako kaya naman kinapa ko ang ID mula sa leeg ko upang itapat sa censor ng entrance para mabukas iyon.

What the holy fxck?!

Kinakabahan kong kinalkal ang bag ko, nagbabakasakaling naroon ang ID ko. Nagkalaglagan ang ilang pirasong notebook at ballpen na laman noon. Yumuko ako ng bahagya at aligaga kong pinulot iyon isa-isa.

Bakit ba nauso pa kasi 'tong censor censor na 'to? Pahirap lang 'to sa mga estudyante lalo na sa kagaya kong nagmamadali! Letche!

Nang mapulot ko na ang lahat ng gamit kong nasa lapag, agad akong tumayo pero laking gulat ko nang may lalaki pala sa likod ko.

At saktong pagtayo ko ay nagkaharap kami. Ilang pulgada lamang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

Imbis na kiligin ako dahil sa isang cliché na pangyayaring gaya nito, kinunutan ko siya ng noo. Nakakainis! Sasabay pa siya!

"It's seems like you can't find your ID. ID ko na ang gamitin mo, Lady." Nakangiting suhestyon niya.

Hindi na ako nag-atubili pang hablutin ang leeg niya at itinapat ang ID na suot niya sa censor ng entrance. Kasabay ng pagbukas nito ay paghatak ko sa kanya para sabay kaming makadaan sa entrance.

Mabilis na sumara iyon at muling lumabas ang metal na harang.

"Crap, halos 1 hour na akong late!" Napasigaw na lang ako dahil sigurado akong lubos-lubos na ang pagpapahiyang mangyayari sa 'kin mamaya pagpasok ko ng klase.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon