Chapter 3: Salamat

22 1 0
                                    

Kayle POV

Hayst napa katanga naman ng guard na nag titingin kung may tao pa ba? Tsk papatanggal ko talaga yun.

Buti nakatulog na tong si Kaira halatang puyat. Anong oras na ba? Alas 2 pa lang ng madaling araw wala pang signal. -___-

Bwiset. -____-

Naramdaman kong gumalaw si Kaira siguro nangangalay na to.

Iniayos ko ang ulo niya at inihiga ko angvulo niya sa bag niya. Kinuha ko yung jacket ko para ipatong sa bandang baba niya.

**

"Kayle, gising alasingko na."narinig kong sabi ni Kaira dumilat ako gising na pala siya.

Tumango ako at nakitang may nagbukas ng pinto ng Gym. Agad na nag init ang ulo ko ng maalala kagabi na hindi manlang niya chineck na may tao pa.

Napatingin ito sa amin at halatang gulat ng makita niya ako.

"S-sir."kinakabahang sabi niya.

Tumayo ako at biglang humawak si Kaira sa akin.

"Teka Kayle."pigil ni Kaira.

"Bakit?"tanong ko.

"Wag mo nang pagalitan si Manong."sabi niya.

Napatingin ako Kay Manong na nakayuko at halatang takot.

"Tss.. Sige pero ayaw ko ng maulit to. Naiintindihan mo?!" tanong ko.

"Opo Sir, salamat."sabi niya at umalis na.

Naramdaman kong tumayo na si Kaira at binuhat yung bag niya.

"Ah Kayle salamat nga pala ha?"sabi niya ng nakangiti.

"Wala yun sige na umuwi ka na naligo ka na baho muna eh."pagbibiro kong sabi.

"Ang kapal!diyan ka na nga! "sabi niya at umalis na.

Umalis na din ako sa Gym at umuwi para maligo at kumain.

Kaira Zein POV

Nakauwi na ako ang sakit ng batok ko, Argh! Nangalay siguro ako pero nagising akong nakahiga ang ulo ko sa bag ko.

Naligo na ako at kumain. Tinanong ni Nanny na kung bakit di daw ako umuwi kagabi? Sabi ko na kung anong nangyari.

Pagkatapos kong magbihis umalis na din ako at dumiretso dito sa Campus.

Buset Baka late na ako. -___-
Kasalanan ni Manong to.

Anong oras na ba?

7:30 am.

Omy?! 7:00 simula ng klase eh yari ako nito.

Halos madulas ako ng makarating sa Room.

Napatingin sa akin lahat pati si Sir, patay ako nito.

"Why are you late?!"sigaw ni Sir sa akin.

"I'm Sorry Sir, kasi nakulo---"di ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang dumating si Kayle at nagsalita.

So late din siya.

"Nakulong kasi kami sa Gym kagabi eh bakit may problema ka ba?"tanong ni Kayle na ikinabigla ni Sir.

"How dare you?! Wala kang galang!"sabi ni Sir.

"Eh bat ikaw may galang?"sabi naman ni Kayle.

Mygosh!

"Baka di mo Alam na pwede kang makick-out dito sa School na to?"sabi ni Sir na nakataas kilay pa ng tumawa si Kayle.

Hahaha di niya ata Alam na pamilya ni Kayle ang may Ari nito?

The Accidentally FeelingsWhere stories live. Discover now