Chapter Twenty-One

1.2K 61 2
                                    

"I never thought we'll have a last kiss

I never imagined will end like this,"

- Last Kiss, Taylor Swift

-----------------------------------------------------------

"DYLAN, hijo..."

Napatigil na lamang sa pag-e-empake ng kanyang dadalhing gamit sa Italy si Dylan saka ibinaling ang tingin sa amang nakatayo sa may pintuan. Bagaman may katandaan na, nananatili pa rin itong fit at ma-appeal. May pagka-metikoloso at health conscious kasi ito, dahil na rin marahil sa pinili nitong propesyon.

"Bakit, pa?" walang kagana-ganang aniya.

Days passed swiftly. Tatlong araw na lang pala'y alis na niya pero ngayon pa lang siya gumagayak.

Kumusta ang dalawang linggong lumipas? Iyon, okay naman. Itinutok kasi niya ang buong atensyon sa ibang bagay tulad ng pag-aaral at sa mga kaibigan para hindi ma-pressure sa nalalapit niyang pag-alis. Advice kasi iyon ni Ruby at sinunod niya nama dahil alam niyang isa itong Psychology student at pamilyar ito sa mga ganitong bagay.

Pero nag-enjoy ba siya? Oo sana kung hindi lang dahil sa isang tao - si Michelle. Pakiramdam kasi niya'y iniiwasan siya nito. 'Yung tipong kapag dumarating siya sa grupo, parati itong magpapaalam sa kanila at magdadahilan ng magbabanyo raw ito o kaya nama'y may ibang gagawin. Ang dating tuloy ay hindi kumpleto ang araw niya. Gusto nga niya itong tanungin kung ano ang problema pero hindi niya magawa. Inuunahan kasi siya ng pagkailang dahil... dahil...

He mentally heaved a sigh. Tama na, Dylan.

Lumapit ang ama niya sa kaniya. "Ayos ka lang ba, hijo? Hindi ka ba nagagalit sa 'kin?"

Bumuntong hininga siya saka isinara ang maleta. "Sa totoo lang, Pa, gusto kong magtampo sa inyo. Tingnan mo naman kasi, sa ginawa mong 'to, 'di ba parang ang dating nito sa 'kin eh pinapamigay mo 'ko?" saad niya na may bahid pagtatampo. "Pinipilit ko na lang talaga kayong unawain. Pero, kung ako ang masusunod, hindi ako pupunta sa Italy." Umupo siya sa kama.

Bumuntong hininga rin ang ama niya. Pagkatapos ay tumabi ito sa kaniya at inakbayan siya.

"Anak, pasensya ka na talaga pero alam mo naman ang sitwasyon, 'di ba?" sabi nito. "Your mother is dying. May taning na ang buhay niya dahil sa breast cancer niya. Kaya nga gusto niyang bumawi sa 'yo, hindi ba? Gusto niyang pagtakpan ang pagkukulang niya sa 'yo. Anak ka rin naman niya, Dylan, at nanay mo s'ya. Kailangan mo rin siyang bigyan ng pagkakataon."

"Oo na lang, Pa!" medyo pabalang niyang sagot saka tumayo at nameywang. "Pinagbibigyan ko na lang talaga kayo kahit ba kasiyahan ko rin magiging kapalit ng lahat ng 'to."

"Hijo, 'wag mong sabihin 'yan. Iniisip mo kasi masasakal ka do'n kaya parang ayaw mng umalis ng bansa. Pero maniwala ka sa 'kin, mag-e-enjoy ka rin doon. Aba! Ang dami ngang gustong makapangibang-bansa! Tapos ikaw, ayaw mo?" Mahina itong tumawa. "Anak nga talaga kita! Pareho tayong hindi praktikal mag-isip minsan."

"Iyon na nga, eh," muling aniya. "Mabuti sana kung bakasyon lang kaso permanent residence! 'Di na lang sila umuwi ng asawa niya rito sa Pi'nas."

"Anak naman. Alam mo namang hindi maiiwan ni Anne ang business nilang dalawa doon ng asawa niya, 'di ba?" anito. "Isa pa, may ayaw ka bang iwan dito kaya parang ayaw mong umalis?"

"Ayaw maiwan? Oo naman! Marami nga, eh. Ikaw, si Mama, si Delilah at Colonel," sabi niya. Sina Delilah at Colonel ay mga half-siblings niya sa ama.

"Kami lang?" muling saad ng ama na ang tono ay animo'y kinikilatis pa ito.

Seven Reasons to Love You [Seven Series #1 | ✓]  (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon