Chapter Twenty-Two

1.5K 58 7
                                    

"Love is unpredictable and it's frustrating and it's tragic and it's beautiful,"

- Taylor Swift

-----------------------------------------

"'T*** I**, nahilo ako do'n!" bulalas na lamang ni MJ nang makababa siya sa sinakyan na ride na kung tawagin ay "Round Up". Kapansin-pansin na para itong lasing kung maglakad.

Samantalang, agad naman tumakbo ang kakambal nito sa isang tabi upang sumuka. Napa-"eww! Gross!" tuloy si Josel.

"Ano? Sasakay pa kayo ulit d'yan?" iiling-iling na lamang na sabi ni Dylan.

Mahina namang humagikhik sina Kenneth at Ruby. Samantalang, ipinalupot naman ni Michelle ang braso nito sa kanya at inihilig din ang braso sa balikat nito.

Narito sila ngayong gabi sa isang carnival sa Clark, Pampanga. Dahil ito ang huling araw ni Dylan bago ang flight niya papuntang Italy, nagdesisyon ang parents niya na gumimik sila para sa huling pagkakataon. Of course, niyaya rin ng mga ito ang kanyang mga barkada para raw mas masaya.

"So, sa'n na tayo mga, anak?" sabi na lamang ni Mama Mayel na tumawag ng atensyon nila.

Ibinaling ni Dylan ang tingin sa kapatid na si Colonel. Labin-dalawang taon ito at, tulad niya, gwapong bata rin ito. Marami ngang nagsasabing kamukha raw nito ang gumanap na anak ni Harry Potter sa ikahuling installment ng pelikula.

"Colonel, sa'n n'yo gusto?"

"Octopus ride, Kuya, pwede?" sabi naman nito.

"Sure!" sagot niya saka niya hinarap ang mga kaibigan. "Octopus daw, guys?"

"Sige!" sabay-sabay nilang anunsyo, maliban lang kay RJ na putlang-putla at halatang hilung-hilo dahil ssa sinakyan ride.

And so, naglakad na sila papunta sa pwesto ng Octopus. Habang naglalakad sila, hindi mapaghiwalay ang kamay nilang dalawa ni Michelle. Ang higpit pa nga ng hawak niya dito na animoy ayaw niya itong pakawalan.

Well, kanina pa iyon ng papansin ng buong tropa at maging ng pamilya nila pero wala ni isa man ang nagtatangkang mang-asar sa kanilang dalawa. Alam naman na kasi ng mga ito ang totoo dahil umamin na rin sila. Ano ang inamin nila? They were in love with each other.

Hindi sila mag-"in a relationship". More on dating lang ang ginagawa nila. Mas pinili nilang maging ganito na lang ang set-up nila dahil, una sa lahat, walang patutunguan kung magiging sila pa dahil magbre-break din naman sila pagdating ng mismong araw ng flight niya. Hindi kasi sila naniniwalang mag-wo-work ang isang distance relationship kaya ganito ang nangyari.

Namili na sila ng ticket. Dahil masama raw ang pakiramdam ni RJ, hindi na ito sumama sa kanila kaya naman walo lang ang binili nila, kasama ang para sa dalawang kapatid ni Dylan.

Pagkatapos, nag-partner-partner na sila. Pinili ni Josel na katabi si MJ habang kay Kenneth naman si Ruby. As for Michelle, tinatanong pa ba yan?

"Syempre, kay Dylan ako," sabi nito saka siya nginitian.

Ginantihan din niya ito ng ngiti. "Ayaw mo talaga akong hiwalayan ano?"

"Oo naman! I want to spend every second with you, you know?" hirit nito saka hinarap sina Ruby at Josel. "Chos! Ang corny ko."

Sabay-sabay silang tumawa. Ganoon din ang mga magulang niya.

"Ang cheesy mo naman, babes." Mahina niyang pinisil ang pisngi nito.

"Aray ko, Dylan!" reklamo ni Michelle saka siya hinampas.

Agad naman niya iyong nailagan.

And so, pumila na sila. Agad naman silang nakasakay. Magkasama ang dalawang kapatid ni Dylan sa isang upuan.

Seven Reasons to Love You [Seven Series #1 | ✓]  (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon