Lika mag-umpisa tayong muli
Atin ng kalimutan mga nagawa nating mali
Sabay tayong humakbang kahit paunti-unti
Dahan-dahanin natin, 'wag tayong magmadali
Lika iabot mo sa akin ang iyong kamay
Harapin nating muli ang mundo ng sabay
Ating tuklasin ang ganda ng buhay
Punuin lahat ng oras ng panibagong kulay
Lika pasyal tayo sa tabing dagat
Lakad-lakad lang tayo sa may tubig-alat
Kwentuhan tayo ng kahit ano lang
Di ko pagsasawaan boses mo ay pakinggan
Lika sabay tayong kumain
Kahit anong ulam basta may kanin
Masarap na sa akin basta ikaw ang naghain
Kahit ito simpleng gulay lang at pritong daing
Tayo na sa munti nating kubo
Hindi man ito isang magarang palasyo
Para sa akin ito'y isang paraiso
Basta andito ka, buo na ang aking mundo