Tumatagal nahihirapan na ako
Minsan ang katawang-lupa ko'y gusto ng sumuko
Nalilito na rin ako kung ano ba ang tamang gawin
Manatili pa ba dito at magtiis o dapat ng lisanin
Bakas na sa aking katandaan ang kahinaan
Tuhod ko'y kumikirot na sa tuwing aking ihahakbang
Hindi na yata ako tatagal sa pagtayo
Tila kalbaryo na din sa akin ang pag-upo
Isip ko na lang ang may lakas na lumilipad
Nag-iinit kong likod ay naiiwan na sa papag
Kailan kaya ang isang IKAW ay muling makikita
Tanging hiling ko'y matutupad pa kaya?
Patuloy kong idinadasal na sana ay mangyari
Bago man lang dumating sa akin ang huling sandali
Marinig na sabihin mong " Minamahal Kita" ng buong puso
O ibubulong mo lang ang katagang "Dapat lang suklian ko ang pagmamahal mo"?