Sa bansang kagaya ng Pilipinas, kung saan hindi prayoridad ang sandatahang lakas. Makakaya kaya ng gobyerno ng Pilipinas na protektahan ang mga mamamayan mula sa mga buhay na bangkay o mas kilala sa tawag na "zombies."
Paano mabubuhay ang isang Pilipino sa kalagitnaan ng isang apocalypto kung saan nasanay siya sa kulturang may takot sa diyos, may matibay na pagmamahal sa pamilya at pakikipagbayanihan?.
Paano makaliligtas ang taong nakatira lang sa gilid ng riles ng tren, sa ilalim ng tulay, sa gilid ng mga ilog at sa mga taong nakatira sa kalye?
Naiisip mo ba kung ano ang mga posibleng mangyari? Kung maapektuhan ang pilipinas ng isang zombie apocalypse. Tingin mo ba makaliligtas ang maraming pilipino lalo na't kabilang sa mahihirap ang halos kalahati ng population?
Hindi ito basta-basta kwento ng mga estudyanteng magkakaibigan, hindi ito kwento ng estudyanteng babae na tumili at narinig ng gwapong lalaki. Mas lalong hindi ito kwento ng mga estudyanteng bigla na lang nagkaroon ng kaalaman sa baril. Kwento ito ng mga Pilipino, kapag nakaharap ang pinakakinatatakutang katapusan ng mundo.
BINABASA MO ANG
Philippine Outbreak
HorrorKahirapan, Korapsyon, Traffic, Baha, Unemployment, Prostitution, tambak na mga basura at kung ano-ano pang mga problema ang kinakaharap ng mga Pilipino. Paano kung sa isang iglap. Sa isang kisap-mata. Ang bansang kinalakihan mo - ang mundong kinagis...