ENTRY 24

3 0 0
                                    

Dear Diary,

Sorry kung naputol yung entry ko kahapon eh kasi naman halos atakihin na ako ng makita ko si Ivan sa likod ko. Nakakainis talaga yung multong 'yun. Gusto niya bang atakihin ako sa puso, tapos matuluyan narin ako?! Tsk.
Ang layas niyang multo! So ibig sabihin hindi ako nagkamali ng makita ko siya doon sa isang bench.

Tulungan ko na kaya ang isang yun? Puro pasakit lang ang dulot niya sa buhay ko. Pag natulungan ko na siya, malamang mawawala na yan sa paligid ligid na puno ng linga. Teka, anong nangyayari sa'kin? Nahawa na ata ako sa multong 'yun.

Hindi maari. Kailangan ko na talagang paalisin ang Ivan na yan. Masyadong Bad Influence.

P.s Bakit nga pala sobrang gwapo niya? Wala lang natanong ko lang, bakit... Bawal maglandi? ^_^

Xiara,

EYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon